Liza, Enrique sa Croatia eeksena

Opisyal na ngang inilantad ng ABS-CBN ang mga programang malapit nang mapanood ng mga Kapamilya viewer, kabilang na ang mga bagong teleserye ng KathNiel at LizQuen, ang unang pagtatambal nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez, ang romance drama nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion, at ang action serye ni Gerald Anderson sa naganap na ABS-CBN Christmas Trade Party noong Miyerkoles (Oktubre 30).

liza enrique sa croatia eeksena - Liza, Enrique sa Croatia eeksena
lizquen 4 - Liza, Enrique sa Croatia eeksena

Opisyal na ngang inilantad ng ABS-CBN ang mga programang malapit nang mapanood ng mga Kapamilya viewer, kabilang na ang mga bagong teleserye ng KathNiel at LizQuen, ang unang pagtatambal nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez, ang romance drama nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion, at ang action serye ni Gerald Anderson sa naganap na ABS-CBN Christmas Trade Party noong Miyerkoles (Oktubre 30).

Pagkatapos ng paghakot ng pagkilala ng record-breaking movie nilang “The Hows of Us”, dapat na abangan ng mga manonood ang reunion TV project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang teleserye na gagawin sa Mexico.

Muli ring makakatrabaho nina Liza Soberano at Enrique Gil ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina para sa romantic comedy na “Make It With You.” Sa ipinakitang trailer sa naganap na trade event, bibida sina Liza at Enrique bilang dalawang mukukulit na estranghero na magkakakilala at magkakaibigan sa Croatia. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *