Liza, Enrique napagkamalang mga Hollywood star

Kilig na kilig ang mga fan sa presence ng magjojowa sa tribute para kay Mr. Johnny Manahan. Selebrasyon nga `yon ng 50 taon ni Mr. Manahan sa industriya ng telebisyon.

The post Liza, Enrique napagkamalang mga Hollywood star first appeared on Abante.

liza enrique napagkamalang mga hollywood star - Liza, Enrique napagkamalang mga Hollywood star
abante lizquen 1 - Liza, Enrique napagkamalang mga Hollywood star

Kilig na kilig ang mga fan sa presence ng magjojowa sa tribute para kay Mr. Johnny Manahan. Selebrasyon nga `yon ng 50 taon ni Mr. Manahan sa industriya ng telebisyon.

Ang mga linyang #TheManBehindTheMagic #50YearsMrM nga ang mga uminit na hashtag, na super trending talaga nitong Sabado ng gabi.

At siyempre, pag sinabing Star Magic, lalabas ang mga pangalan ng mga sikat na artista mula noon hanggang ngayon ng ABS-CBN. Na kahit nasa TV5 na nga si Mr. Manahan ngayon, hindi pa rin nawawala, o nababawasan ang pagmamahal sa kanya ng mga pinasikat niyang artista sa Kapamilya Network.

Aliw na aliw, at super kilig ang mga fan na makitang nagsasalita na magkasama sina Kathyn Bernardo at Daniel Padilla. Walang duda na ang dalawa talaga ang pinakasikat na love team sa kasalukuyan.

Pero, ramdam naman ang pagkasabik ng mga fan kina Liza Soberano at Enrique Gil, ha! Sobrang fresh ng dalawa, na magkasama nga ngayon sa Amerika.

Sobrang naaliw ang mga fan sa LizQuen, na halos magkahawig na nga ngayon, ha! Magugulat ka nga sa sobrang dami ng share, like, comment, reaction ng mga fan sa mga photo nilang dalawa sa Kapamilya Online World, ha!

May mga nakapansin lang na parang ‘tumaba’ ang dalawa sa Amerika. Pero kahit ganun, mas lalo raw gumuwapo, gumanda ang dalawa. Na sabi nga nila, sa unang tingin, parang iba ang nakita nila, na mukhang mga Hollywood star na nga sila.

Heto nga ang chika ng mga fan sa kanila…

Sobrang perfect ang tandem nila. Lakas maka-Hollywood nila. Ang fresh ng mag-asawa sa US. Napakaganda nilang mga nilalang.

Well… (Dondon Sermino)

The post Liza, Enrique napagkamalang mga Hollywood star first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *