Liza, Enrique dedma sa ABS-CBN Christmas SID

Kalat na ngayon sa social media ang mga litrato ng ilang Kapamilya star mula sa shoot ng bagong ABS-CBN Christmas station ID na may pamagat na “Ikaw ang Liwanag at Ligaya.” Kaya naman nakaabang ang maraming fan clubs kung alin nga ba sa mga artista ng ABS-CBN ang makakasama rito.

The post Liza, Enrique dedma sa ABS-CBN Christmas SID first appeared on Abante.

liza enrique dedma sa abs cbn christmas sid - Liza, Enrique dedma sa ABS-CBN Christmas SID
liza 4 - Liza, Enrique dedma sa ABS-CBN Christmas SID

Kalat na ngayon sa social media ang mga litrato ng ilang Kapamilya star mula sa shoot ng bagong ABS-CBN Christmas station ID na may pamagat na “Ikaw ang Liwanag at Ligaya.” Kaya naman nakaabang ang maraming fan clubs kung alin nga ba sa mga artista ng ABS-CBN ang makakasama rito.

Malaking pasabog at ikinatuwa ng JaDine fans dahil confirmed na Kapamilya pa rin ang kanilang mga idolo matapos mailabas sa social media ang pictures nina Nadine Lustre at James Reid na suot-suot ang t-shirt na may logo ng station ID sa loob ng studio.

Nagsilabasan na rin ang mga litrato nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa shoot, at sa isang photo nga ay naka-eye shield pa sila kasama sina Gary Valenciano, Toni Gonzaga, at ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak.

Ilan naman sa mga artistang tumungo sa ABS-CBN para sa nasabing shoot ay sina Vice Ganda, Judy Ann Santos, mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid, ABS-CBN news anchors na sina Julius Babao, Karen Davila, Zen Hernandez, Alvin Elchico, at Doris Bigornia.

Nagpost din si Bianca Gonzalez ng group photo kung saan makikita sina Enchong Dee, Robi Domingo, Martin Nievera, at Toni. Hindi rin mawawala ang big bosses nila na sina chairman Mark Lopez at COO of broadcast na si Cory Vidanes.

Samantala, naghihintay pa rin ng ebidensya ang mga fan nina Liza Soberano at Enrique Gil kung bibida rin sila sa station ID. Panay tanong kasi ng LizQuen fans sa Twitter, at marami rin ang nagsabi na baka pauwi pa lang ang dalawa mula US kaya baka hindi pa nakapag-shoot.

The post Liza, Enrique dedma sa ABS-CBN Christmas SID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *