Liza, Enrique biglang lumipad pa-Amerika

Magkasamang lumipad pa-Amerika sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sinamahan ni Enrique si Liza para makapiling ng aktres ang kanyang lola Wanda na may sakit.

The post Liza, Enrique biglang lumipad pa-Amerika first appeared on Abante.

liza enrique biglang lumipad pa amerika - Liza, Enrique biglang lumipad pa-Amerika
abante lizquen - Liza, Enrique biglang lumipad pa-Amerika

Magkasamang lumipad pa-Amerika sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sinamahan ni Enrique si Liza para makapiling ng aktres ang kanyang lola Wanda na may sakit.

Si lola Wanda raw ang nagpalaki kay Liza at malapit ito sa kanya.

Sabi ay noong Sept. 25 pa umalis ang magdyowa. At ang balita ay hanggang November na doon sina Liza at Enrique.

Kunsabagay, wala pa namang trabaho ang LizQuen ngayon. At maganda rin na may panahon silang magbakasyon habang hindi pa aktibo sa showbiz.

Pero sigurado naman na gagawa sila ng maraming content doon, dahil pareho nga silang may mga YouTube channel.

Anyway, magugunitang bago umalis patungong US ay nagsampa na ng kasong kriminal si Liza laban sa empleyado ng internet service provider na Converge dahil sa viral “rape comment” nito laban sa aktres. (IS)

The post Liza, Enrique biglang lumipad pa-Amerika first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *