Liza ‘di dapat palitan sa ‘Darna’

Labis na ikinalungkot ng betera­nang singer na si Zsa Zsa Padilla ang pag-withdraw ni Liza Soberano bilang Darna. Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ng singer ang pagkalungkot o frustration niya dahil hindi na si Liza ang gaganap bilang Darna.

The post Liza ‘di dapat palitan sa ‘Darna’ appeared first on Abante News Online.

liza di dapat palitan sa darna - Liza ‘di dapat palitan sa ‘Darna’
Liza Soberano 3 - Liza ‘di dapat palitan sa ‘Darna’

Labis na ikinalungkot ng betera­nang singer na si Zsa Zsa Padilla ang pag-withdraw ni Liza Soberano bilang Darna. Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ng singer ang pagkalungkot o frustration niya dahil hindi na si Liza ang gaganap bilang Darna.

Nire-quote niya ang isang article kaugnay sa kuwento sa likod ng pagti-training ni Liza bilang Darna.

“Pagaling ka, @lizasoberano why dont we just wait until you’re able to film?” sabi ni Zsa Zsa.

Marami namang fan ang sumang-ayon sa suhestiyon ni Zsa Zsa na magpagaling muna si Liza nang sa gayon ay siya pa rin ang gaganap na Darna.

Naku, mukhang sarado na ang isip ni Zsa Zsa kay Liza bilang Darna at wala siyang mapili kahit na marami na ang nagpu-push kina Angel Locsin, Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, Maja Salvador at iba pang nagpaparamdam.

Si Zsa Zsa ay nagbida na bilang superhero sa ‘Zsa Zsa Zaturnnah’ kaya knows niya ang bigat ng mga eksena sa mga ganitong pelikula. 

The post Liza ‘di dapat palitan sa ‘Darna’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *