Liza, Bela, Maymay naloka: Maris nagpaelya ng mga boylet sa Instagram

Asan na si Maris ­Racal? Nawawala ba si Maris Racal?
Ay, kasi nga naman, bigla ngang sinaniban si Maris Racal ni Ellenya L.

liza bela maymay naloka maris nagpaelya ng mga boylet sa instagram - Liza, Bela, Maymay naloka: Maris nagpaelya ng mga boylet sa Instagram
maris - Liza, Bela, Maymay naloka: Maris nagpaelya ng mga boylet sa Instagram

Dondon Sermino Paistaran 4 336x224 - Liza, Bela, Maymay naloka: Maris nagpaelya ng mga boylet sa InstagramAsan na si Maris ­Racal? Nawawala ba si Maris Racal?
Ay, kasi nga naman, bigla ngang sinaniban si Maris Racal ni Ellenya L.

Sino si Ellenya L.? Si Ellenya L. ang karakter ni Maris sa pelikulang Miss Ellenya L., na isang millennial girl na adik sa social media, at feeling influencer.

Anyway, super naloka nga kasi ang mga fan dahil parang sa isang iglap, nabura na ang pagkatao ni Maris Racal, na isang baby girl.

Binulabog nga ni Maris ang social media dahil sa pasabog niyang alindog. For the first time nga, ipinasilip­ ni Maris ang kaseksihan niya, na parang gusto niyang sabihin, na hindi na siya bata, at puwede na siyang pagpantasyahan ng mga kalalakihan.

“Ellenya L. #minsanlang,” ang simpleng caption ni Maris sa bikini photo niya.

Minsan lang, pero for sure, mapapadalas, dahil sa bonggang reaksiyon ng mga fan sa kanya.

At kahit ang mga seksi, sikat na artista, ­nabulabog kay Maris. Hindi nila akalain na may itinatago itong ‘kaelya-elyang’ katawan, ha!

I mean, sa true naman kasi, mukha ­talagang batang-bata si Maris, na parang naglalaro pa ng manika. Pero, ‘yun na nga, kakaiba rin pala ang bagsik ng alindog niya, ha!

Napa-‘MY GOD ELLENYA L.’ nga si Liza Soberano sa kaseksihan ni Maris.
At sagot nga ni Maris kay Liza; “wala to wala to.”

Super react din sina Bela Padilla, Iza ­Calzado sa pagpapaseksi ni Maris. At si Maymay ­Entrada, napa-‘Grabe baaai!!’ talaga.

Heto naman ang nagtutumiling reaksiyon ng mga fan;
Karen Reyes; ­‘Bahala ka jan maris!! Hahaha.’

Jocelyn Verdida; “Peng ­juskooo…anong say mo may laban pak na pak ayy..diyosa sa balat ng lupa.”

Ellenya; “Hala. Paktay na. Bay ang hot whoahh.”

Lhe Wellala; “ Grabe na yung bb gurl naten!”

Mary Angela; “Huuuy grabe Maris bata ka pa uy pagsuksok bayo please.”
Nikka Pnda; “The alchemy of ­opposites! Hot pero baby face pa rin bat ganooon.”

Well si Inigo Pascual nga pala ang leading man ni Maris sa pelikulang I’m Ellenya L, na dinirek ni Boy2 Quizon.

Jose Mari Chan gamit na gamit sa Pasko ‘meme’

Super trending si Jose Mari Chan ­kahapon (Sept. 1), at siyempre, alam niyo na kung bakit. Kaaliw lang, na kapag pumapasok na ang ‘Ber’ months ay si Jose Mari Chan agad ang naiisip ng mga Filipino.

Kasi nga, ang kanta ni Mr. Chan na angkop tuwing Pasko ang bentang-benta agad sa lahat.

Saan ka naman nakakita na kapag ‘Ber’ months na, si Mr. Chan ang pinag-uusapan. Na sabi nga ng iba, kahit tulog sila, kapag ­September na, parang naririnig na nila ang boses ni Mr. Chan.

Ang dami ring mga ‘meme’ na naglabasan kay Mr. Chan. Na ikaaaliw mo na lang talaga. May mga naka-Santa Clause ­outfit siya na sumisilip sa ­social media, na finally ay ­nalantad na nga ­ngayon, at meron pang iba na bigla na lang bumukas ang pinto at siya ang bubungad.

Heto nga ang chika ng mga netizen:

‘I can already feel Jose Mari Chan’s presence.’
‘Jose Mari Chan is waving already.’
‘We should make September 1st as Sir Jose Mari Chan’s Day officially. I mean, why not since ‘in every prayer and every song the community unites’ during this date.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *