Liz Uy binuwisit mga basher

Mukhang master na rin ng celebrity stylist na si Liz Uy ang “art of dedma.” Pagkatapos na mag- top 1 trending sa Twitter at ma-bash ng todo dahil sa pinost niyang engagement ring, dedma lang ito at hindi nag-react o sumagot sa lahat ng ibinato sa kanya.

The post Liz Uy binuwisit mga basher first appeared on Abante.

liz uy binuwisit mga basher - Liz Uy binuwisit mga basher
abante liz uy 1 - Liz Uy binuwisit mga basher

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Liz Uy binuwisit mga basherMukhang master na rin ng celebrity stylist na si Liz Uy ang “art of dedma.” Pagkatapos na mag- top 1 trending sa Twitter at ma-bash ng todo dahil sa pinost niyang engagement ring, dedma lang ito at hindi nag-react o sumagot sa lahat ng ibinato sa kanya.

Kabilang na rito ang pagiging diumano’y “kabit” at “homewrecker” niya.

Mukha naman kasing suportado si Liz ng mga celebrity sa bansa, lalo na yung mga sikat.

At nitong nakaraang Halloween, may entry rin siya na mala-Reyna kasama rin sa ibang picture ang mag-ama niya bilang mga Adams family. At si Liz bilang si Morticia Adams.

Sa IG stories naman niya, may caption ito na “Check my post!” na tila giveaway na niya sa mga basher niya.

Comment nga sa post ni Liz, yun daw look nito sa picture ang simpleng sagot na nito sa mga nam-bash sa kanya. Meron pa rin talagang mga nagtatanggol dito at sinasabing ‘wag pansinin at paapekto dahil hindi raw alam ng mga ito ang totoong kuwento.

Ironically, ang characteristic ni Morticia Adams na naging dress-up ni Liz ay “ very cool, collected woman with seduction. She’s a very loving person who’s proud of her husband and children, even if they are all super weird, and is fiercely loyal to her family.”

Gumabao binatikos sa kadramahan

Nagsalita na si Michele Gumabao, ang Miss Quezon City at 2ndrunner-up sa nakaraang Miss Universe-Philippines.

Sa pamamagitan ng kanyang vlog, emosyunal nitong nilahad ang kanyang statement na, “I heard things that I wasn’t supposed to hear.”

Pero siyempre, sa kabila ng pagsasalitang ito ni Michele, tinitingnan pa rin siya ng mga netizen bilang sore loser.

Bukod dito, ilang netizens din ang nag-comment na tumigil na raw sana si Michele, puro drama raw. Komento pa ng netizen, “Napaka- entitled niya pramis at notice how she never mentioned Rabiya’s name, she referred to Rabiya as “the winner.”

Payo naman ng isang netizen, “You have choices, lahat ng candidates di naman siguro pinwersa. At kapag sumali ka kailangan dedicated ka win or lose. At sana sinabi mo yung ano yung di mo dapat marinig baka sakaling mas maintindihan ka talaga. These statements parang nagpapatibay lang kung bakit di ikaw.”

Kinumpara rin si Michele ng ibang netizens kay Pia Wurtzbach na dalawang beses natalo bago nasungkit ang Miss Universe crown sa ikatalong pagsali, pero wala raw mga ganyang drama gaya nina Michele at Sandra Lemonon.

The post Liz Uy binuwisit mga basher first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *