Lito Legaspi nakagawa ng 120 pelikula

Muling nagluksa ang Philippine showbiz dahil sa pagpanaw ng veteran actor at former Sampaguita Pictures matinee idol na si Lito Legaspi dahil sa cardiac arrest sa edad na 77.

lito legaspi nakagawa ng 120 pelikula - Lito Legaspi nakagawa ng 120 pelikula
ABANTE Lito Legaspi - Lito Legaspi nakagawa ng 120 pelikula

Muling nagluksa ang Philippine showbiz dahil sa pagpanaw ng veteran actor at former Sampaguita Pictures matinee idol na si Lito Legaspi dahil sa cardiac arrest sa edad na 77.

Sa Cardinal Santos Memorial Medical Center itinakbo noong nakaraang September 8 si Lito pagkatapos itong makaramdam ng chest pains. Pumanaw ito ng alas-10:00 ng umaga.

Huling napanood si Lito sa GMA teleserye na “My Special Tatay” noong 2018. Napanood din siya sa teleserye na “FPJ’s Ang Probisyano”, “Haplos”, “Ika-6 Na Utos”, “Princess In The Palace” at “Ilustrado”.

Sa big screen, huling lumabas si Lito sa 2012 rom-com na “Every Breath U Take”.

Pumasok din sa showbiz ang kanyang tatlong anak na sina Zoren, Kier at Brandon Legaspi. Pati ang mga apo nito kay Zoren, from wife Carmina Villarroel na sina Mavy and Cassy Legaspi, ay nasa showbiz na rin.

Taong 1959 noong unang lumabas sa pelikula si Lito, pero 1963 noong ipakilala siya bilang matinee idol ng Sampaguita Pictures kung saan nakasabayan niya sina Eddie Gutierrez, Jose Mari, Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Ramil Rodriguez, Bert Leroy, Jr., Romeo Rivera at Romeo Vasquez.

Lumabas si Lito sa higit na 120 movies kabilang na ang “Baby Face”, “Ipinagbili Kami Ng Aming Tatay”, “Beatnik”, “Bilanggong Birhen”, “Joey-Eddie-Lito”, “The Big Broadcast”, “Tagumpay Ng Langit”, at ang mga pelikula ng Stars ’66 na “Mga Batang Iskwater”, “Mga Batang Bakasyonista”, “Mga Batang Milyonaryo” at “Mga Batang Artista”.

Noong mauso ang bomba movies noong ’70s, isa si Lito sa nagkaroon ng sexy scenes sa mga pelikulang “Uhaw”, “Hayok”, “Marupok”, “Kamunduhan” at “Angkinin Mo Ako”.

Nanalo naman siya ng Gawad Urian best supporting actor noong 1977 para sa sexy movie na “Sinong Kapiling? Sinong Kasiping?” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *