Leren Mae 2nd runner-up sa Miss Globe

Taas bandila na naman ang mga beauty queen mula sa Pilipinas dahil nag-uwi ng korona bilang 2nd runner-up ang beteranang beauty queen na si Leren Mae Bautista sa Miss Globe 2019 na ginanap noong October 21 (October 22 ng umaga sa Pilipinas) sa Ulcinj, Montenegro.

leren mae 2nd runner up sa miss globe - Leren Mae 2nd runner-up sa Miss Globe
lerin - Leren Mae 2nd runner-up sa Miss Globe

Taas bandila na naman ang mga beauty queen mula sa Pilipinas dahil nag-uwi ng korona bilang 2nd runner-up ang beteranang beauty queen na si Leren Mae Bautista sa Miss Globe 2019 na ginanap noong October 21 (October 22 ng umaga sa Pilipinas) sa Ulcinj, Montenegro.

Mula naman sa Mexico na si Alejanda Diaz De Leon Soler ang kinoronahan bilang Miss Globe 2019 at 1st runner-up naman si Carla Jean Lares ng Trinidad and Tobago.

Talagang winner nga naman ang sagot ng Pinay beauty queen sa tanong kung paano nito tutulungan ang kanyang mga kapwa kung sakaling maiuwi niya ang korona ng Miss Globe 2019.

“If I will win Miss Globe 2019, I will use this platform to raise awareness on how to protect our planet. We could start within ourselves. We could start with small things, by volunteering in our communities by picking up trash and putting it in the right bin, and by conserving our water. Because I believe that Mother Teresa once said, ‘Not all of us can do great things, but all of us can do small things with great love,’” winning answer naman ni Leren.

Matatandaang si Anne Lorraine Colls ang huling nakasungkit ng korona ng Miss Globe mula sa Pilipinas noong 2015.

Anyway, heto naman ang iba pang nanalo sa naturang beauty pageant: 3rd runner-up, Shauna Griffiths of Canada; 4th runner-up, Kristýna Malírová of Czech Republic. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *