Lena Headey kumita ng $1.2 million sa ‘GoT’

Ni-reveal ng isang fansite ng HBO series na “Game of Thrones” kung magkano ang kinikita ni Lena Headey sa kanyang pagganap bilang ang evil queen na si Cersei Lannister.

The post Lena Headey kumita ng $1.2 million sa ‘GoT’ appeared first on Abante News Online.

lena headey kumita ng 1 2 million sa got - Lena Headey kumita ng $1.2 million sa ‘GoT’
lena - Lena Headey kumita ng $1.2 million sa ‘GoT’

Ni-reveal ng isang fansite ng HBO series na “Game of Thrones” kung magkano ang kinikita ni Lena Headey sa kanyang pagganap bilang ang evil queen na si Cersei Lannister.

Sa kanyang mga eksena na tumatanaw lang siya sa bintana, nagtataas ng kanyang kilay at umiinom ng wine, binabayaran si Lena ng tumataginting na $48,000 a minute sa pagganap niya bilang si Cersei!

Lumabas si Lena sa eight seasons ng “Game of Thrones” at kuwentahin na lang kung magkano ang kinikita niya kada season.

Sa final season ng GoT, may total ito na 434 minutes at 25 minutes, doon ay nagamit sa mga eksena ni Cersei. Kaya naman umabot sa $1.2 million ang binayad kay Lena.

Hindi naman nalalayo ang bayad kay Lena sa mga natanggap ng kanyang GoT co-stars na sina Emilia Clarke (Daenerys Targaryen), Nikolaj Coster-Waldau (Jaime Lannister), Kit Harington (Jon Snow), and Peter Dinklage (Tyrion Lannister).

Kaya sa pagtatapos ng GoT, heto ang pinost ni Lena tungkol sa ending ng character niyang si Cersei sa kanyang Instagram:

“There she goes. It’s been fun, and bonkers. I loved her. I am grateful for the opportunity. Massively thankful for your encoura­ging and supportive love along the way. And now her watch is ended (I know she’d never make it, Nights watch wouldn’t have her .. but still..).” (Ruel Mendoza)

The post Lena Headey kumita ng $1.2 million sa ‘GoT’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *