Lea todo suporta sa mga beki, tomboy

Nanguna si Lea Salonga sa mga artista na nagpahalaga sa buwan na ito para sa LGBTQ+. Sa text post niya sa kanyang Instagram na may rainbow colored background, binigyan niya ng ibang pananaw ang pagsi-celebrate ng Gay Pride sa buwang ito.

The post Lea todo suporta sa mga beki, tomboy appeared first on Abante News Online.

lea todo suporta sa mga beki tomboy - Lea todo suporta sa mga beki, tomboy
lea salonga - Lea todo suporta sa mga beki, tomboy

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Lea todo suporta sa mga beki, tomboyNanguna si Lea Salonga sa mga artista na nagpahalaga sa buwan na ito para sa LGBTQ+. Sa text post niya sa kanyang Instagram na may rainbow colored background, binigyan niya ng ibang pananaw ang pagsi-celebrate ng Gay Pride sa buwang ito.

“GAY PRIDE WAS NOT BORN OF A NEED TO CELEBRATE BEING GAY, BUT OUR RIGHT TO EXIST WITHOUT PERSECUTION. SO INSTEAD OF WONDERING WHY THERE ISN’T STRAIGHT PRIDE MOVEMENT, BE THANKFUL YOU DON’T NEED ONE.”

Sa caption, nagpahayag ng kanyang pakikiisa si Lea sa LGBTQ+.

“Happy #PrideMonth!!!! #Pride.”

Dahil sa post na ito ni Lea, mas lalo siyang minahal ng LGBTQ+. Ilan sa mga nagpahayag din ng kanilang favorable comment ay sina Geneva Cruz, Tim Yap at Angelina King.

Jinkee, Manny pinag-bonding ang mga senador

Humamig ng atensyon ang Instagram post ni Jinkee Pacquiao na kung saan ay nakabalandra ang mga nanalong 12 senador sa nakaraang halalan, kasama ang iba pang senador.

Makikita sa larawan sina Lito Lapid, Bong Revilla, Francis Tolentino, Loren Legarda, Tito Sotto, Imee Marcos, Ralph Recto, Miguel Zubiri, Gringo Honasan, Nancy Binay at iba pa.

Ayon sa caption ni Jinkee, sila ni Manny ang nag-host ng dinner. Itinutu­ring itong special ni Jinkee sa hashtag na ginamit niya, ang #beautifulevening at #prayingforourleaders.

Hindi na dinetalye pa ni Jinkee kung para saan ang nasabing dinner, dahil maliwanag naman ang intensyon na nais lang ni Manny na mag-bonding ang mga bagong halal at mga datihan na ring senador.

Nanette Medved nagpakasal ulit kay Chris Po

Matapos ang dalawampung taon, muling ikinasal si Nanette Medved sa kanyang asawang si Chris Po. Ibinahagi ng dating movie star ang pagpapakasal muli sa kanyang mister sa Instagram niya.

Makikita ang ilang larawan na kuha sa wedding ceremony ng dalawa. Sabi pa ni Nanette sa caption, ang suot niyang gown nu’ng una silang kinasal 20 years ago ay parehong damit na suot niya sa kanilang muling pagpapakasal nitong June 5, 2019.

Simple lang ang seremonya. Magkahawak ang kamay na nakikinig sina Nanette at ang mister niya sa pari.

Sa isang larawan, makikitang nakayakap si Nanette sa kaibigang si Eric Quizon na sabi niya sa comment ay original guest niya sa unang kasal 20 years ago.

The post Lea todo suporta sa mga beki, tomboy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *