Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ author

Hanggang ngayon, kinikilala pa rin ni David Zippel sina Lea Salonga at Christina Aguil-lera na siyang nagbigay-buhay sa kanyang obrang “Mulan”.

The post Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ author appeared first on Abante News Online.

lea salonga christina aguillera puring puri ng mulan author - Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ author
ABANTE lea salonga concert - Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ author

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ authorHanggang ngayon, kinikilala pa rin ni David Zippel sina Lea Salonga at Christina Aguil-lera na siyang nagbigay-buhay sa kanyang obrang “Mulan”.

Si David ang author ng librong “Mulan” at siya rin ang lumikha ng “Reflection” katuwang si Matthew Wilder.

Si Lea ang kumanta ng theme song ng movie na “Reflection” at si Christina naman sa Pop version ng kanta.

Mababasa sa post ni Lea ang naka-tag na tweet ni David na pinupuri nito si Lea at si Christina.

“David Zippel @DavidZippel @xtina Christina Aguillera’s tweet reminded me that 21 years ago, she and @MsLeaSalonga each magnificently brought #REFLECTION to life in Disney’s #Mulan. Writing this song with @wilder­kingdom Matthew Wilder is one of the joys of my career. Thank you Christina and Lea and Matt.”

Nagpasalamat si Lea sa tweet niya kay David.

“My thanks to you @DavidZippel and @wilderkingdom!!! It’s a gift that keeps on giving. And it’s been an honor sharing it with @xtina.”

‘Baby’ nina Jennylyn, Dennis pinakilala sa YouTube

Umakyat na naman sa panibagong level ang relasyon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Sa pagkakataong ito ay dinala nila ang kanilang pag-iibigan sa music at sa pagbubukas nila ng kanilang baby, ang YouTube channel, ang “CoLove”.

‘Yung mga posting nina Dennis at Jennylyn sa kanila-kanilang mga Instagram wall na kumakanta sa banda (si Jennylyn ang singer, samantalang drummer naman si Dennis), at ng iba pang mga musician ang makikita.

Kailan lang, nag-tweet si Jennylyn ng cover version ng “After All” na pinasikat nina Cher at Peter Cetera. Naka-link sa YouTube ang posting at mapapanood ang duet version nila.

Bago ipinalabas ang song spot nina Jennylyn at Dennis, sinabi ng Kapuso actress na siya ang may ideya ng titulong “CoLove” dahil pareho nilang hilig ang kumanta.

Sa YouTube channel nilang ito dadalhin ang kanilang mga fan na gusto silang makitang kumanta.

Sa dami ng mga bagay na pinagsasamahan nina Jennylyn at Dennis, kulang na lang talaga sa kanila ang kasal.

Sunshine suwerte sa love life, career

Napapaliguan ngayon ng magagandang opportunity at project si Sunshine Cruz.

Itinuturing niyang maganda ang taong 2019 para sa kanyang karera at maging sa kanyang pamilya.

Sa post niya sa kanyang Instagram ng iba’t ibang pictorial shot kasama ang iba’t ibang artista, inisa-isa ni Sunshine ang mga TV at movie project na ipinalabas na ngayon sa ere at ang iba pang movie projects na gagawin niya.

Ang mga naka-line up sa kanyang schedules ay ang “Love Thy Woman” sa ABS-CBN 2 na reunion team-up project ng magkasintahang Xian Lim at Kim Chiu.

“The Heiress” ng Regal Films na pinangungunahan ni Maricel Soriano.
Isa pang pelikula na ipu-produce ng ALV Films at Spears Films para sa Cinemalaya 2019. Ang “Stepmo-ther’s Lover” na pagsasamahan naman nila ni Martin Del Rosario.

Ipinapalabas din sa kasalukuyan ang “Hiwaga ng Kambat” sa ABS-CBN 2.
At kahit ang love life ay suwerte rin kay Sunshine, sa piling ng boyfriend na si Macky Mathay.

The post Lea Salonga, Christina Aguillera puring-puri ng ‘Mulan’ author appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *