Lea nilayasan ng manonood

Minsan na ngang naranasan ni Lea Salonga ang ma-walkout-an ng manonood sa hindi nagustuhang eksena sa ipinapalabas na theater production nito.

lea nilayasan ng manonood - Lea nilayasan ng manonood
lea 8 - Lea nilayasan ng manonood

Minsan na ngang naranasan ni Lea Salonga ang ma-walkout-an ng manonood sa hindi nagustuhang eksena sa ipinapalabas na theater production nito.

Sa kanyang Instagram post na nagbibigay-babala sa kanyang mga manonood, ibinahagi ni Lea na may isang buong pamilya ang tumayo at lumabas ng venue dahil hindi angkop ang eksenang napapanood ng mga ito sa mga kasama nilang bata.

Sa caption ng post ni Lea, nakiusap ito sa mga manonood ng bago niyang theater project, ang “Sweeney Todd” na pinagbibidahan din ni Jet Pangan, na huwag dalhin ang kanilang mga maliliit pang mga anak o bata.

Ang ilan sa mga project ni Lea ay hindi child-friendly o puwede sa mga bata.

Kuwento niya, isang buong pamilya ang lumabas ng theater sa kalagitnaan ng performance nila sa “Fun Home” dahil sa lesbian sexual scene.

Walang ideya ang mga nagdala ng mga bata na pang-adult lang ang production at hindi ito para sa mga bata.

Sey pa ni Lea, hindi porke “Fun Home” ang title ng show niya at musical ito, dagdag pang siya ang bida, inaasahan ng mga parent na may karay na mga bata, Disney show ang mapapanood ng mga ito.

Paalala ni Lea na magbasa muna ang lahat ng mga manonood niya para magkaroon ng ideya ang mga ito sa kanyang show at sa iba pang theatrical production.

Ang paalala at panawagan ni Lea ay hindi lang sa Manila audience niya, kundi sa Singapore rin at iba pang pagtatanghalan ng kanilang show. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *