Lea namangha sa trailer ng Mulan

Lea namangha sa trailer ng Mulan

Unforgettable para kay Lea Salonga ang 1998 Disney animation na Mulan dahil na-ging singing voice siya ng bida rito na si Fa Mulan.

The post Lea namangha sa trailer ng Mulan appeared first on Abante News Online.

lea namangha sa trailer ng mulan - Lea namangha sa trailer ng Mulan
lea 3 - Lea namangha sa trailer ng Mulan

Unforgettable para kay Lea Salonga ang 1998 Disney animation na Mulan dahil na-ging singing voice siya ng bida rito na si Fa Mulan.

Naging hit ang song na “Reflection” na inawit ni Lea sa movie at inawit naman ni Christina Aguilera ang single version nito.

Kaya hindi mapigilan ng Tony Award-winning actress na mamangha nang mapanood niya on social media ang trailer ng live action remake nito kunsaan ang American-Chinese actress na si Liu Yifei ang gumanap sa title role.

Post pa ni Lea sa Facebook ay: “Oh my goodness, my heart is not ready!!! This is going to be incredible!!! (And if you listen closely, you’ll hear a little bit of Reflection as underscoring.)”

Since the release of the trailer via Disney Studios Philippines Facebook page, umani na ito ng higit na 2 million views.

Ito ang latest na live action remake ng Disney after ng 101 Dalmatians, 102 Dalmatians, Alice In Wonderland, Alice Through The Looking Glass, Christopher Robin, Beauty and The Beast, Cinderella, Maleficent, Pete’s Dragon, The Jungle Book, Dumbo and Aladdin.

Ikinatuwa ng maraming netizens ang pagkakaroon ng all-Asian cast sa live action remake ng Mulan na kinabibilangan nila Jet Li, Donnie Yen, Jason Scott Lee, Gong Li, Yoson An, Ron Yuan at Jimmy Wong. (Ruel Mendoza)

The post Lea namangha sa trailer ng Mulan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *