Lea nagmura ulit sa galit kay Trump

Napapadalas ang pagmumura ni Lea Salonga sa social media, ha! Heto nga at nagpahayag na naman siya ng saloobin, at muli ay napamura nga siya, kaugnay sa kaguluhan sa Amerika, dahil sa mga supporter ni Donald Trump.

The post Lea nagmura ulit sa galit kay Trump first appeared on Abante.

lea nagmura ulit sa galit kay trump - Lea nagmura ulit sa galit kay Trump
abante lea salonga 1 - Lea nagmura ulit sa galit kay Trump

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - Lea nagmura ulit sa galit kay TrumpNapapadalas ang pagmumura ni Lea Salonga sa social media, ha! Heto nga at nagpahayag na naman siya ng saloobin, at muli ay napamura nga siya, kaugnay sa kaguluhan sa Amerika, dahil sa mga supporter ni Donald Trump.

“What the f…is happening in Washington?!” tweet ni Lea.

Hindi man binuo ni Lea ang salitang ‘fuck’ at letrang f lang ang ginamit niya, pero alam naman natin na matunog na mura `yon.

Hindi katakataka ang reaksyon ni Lea sa mga kaganapan sa Amerika lalo sa estado ng gobyerno dahil ilang taon siyang nanirahan sa New York noon.

K Brosas pinandirihan ng mga beki

Dumadami ang mga personalidad na nagtanggol sa mga sinasabing mga suspek sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Matapos malantad sa publiko na ang mga lalakeng nakainuman ni Dacera sa isang hotel ay mga bakla, nagsimula nang gumulong ang iba’t ibang suporta ng netizen sa mga suspek, lalo na ang mga kumakatig sa LGBTQ+.

Si K Brosas ay binigyang halimbawa ang sarili sa tweet nito ng kanyang karanasan sa mga bakla habang nakikipag-inuman. Nagmura si K sa karanasang lagi siyang tinatanggihang halikan ng mga beki.

“Hoy, ilang beses nako nalasing kasama mga beki, ilang beses na kaming nag-spin the bottle at ayaw nila ako i-kiss shutanginamez!”

Ang kilalang fashion designer na si Rajo Laurel, inisa-isa nito ang mga karakter ng mga beki sa tuwing malalasing. Ang bottom line, mga kilos at pusong babae pa rin daw ang mga ito.

Belo nag-ampon ng rhino

Nag-ampon ng isang baby rhino sina Vicki Belo at Hayden Kho. Kasalukuyan nga silang nagbabakasyon sa Africa.

Una nga itong ibinalita ni Direk Quark Henares, anak ni Vicki.

At sa Instagram ni Belo ay ibinahagi nga niya na ang intensyon nila ay para protektahan at pangalagaan ang unti-unting pagkaubos ng lahi ng mga rhino, dulot ng pagpatay at pangongolekta ng mga sungay nito kapalit ng halagang $200,000 sa market.

Younger brother ni Scarlet ang tawag ni Vicki sa inampon na baby rhino at si Direk Quark ang nagbigay ng pangalan nitong “plasty” na may hashtag na #PlastyTheBeloRhino.

Manatili sa Safari ang rhino at susustentuhan na lang nina Vicki para sa veterinary care at protektahan sa mga ranger lalo na sa mga hunter.

The post Lea nagmura ulit sa galit kay Trump first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *