Lea matagal nang pantasya ni Gerald

Dahil sa “Miss Saigon” at sa pagtira nang mahigit dalawang taon sa London, England ay maraming nabago kay Gerald Santos. Inamin niya na sa unang tatlong linggo niya roon ay iyak daw siya nang iyak.

lea matagal nang pantasya ni gerald - Lea matagal nang pantasya ni Gerald
lea 6 - Lea matagal nang pantasya ni Gerald

Joe Barrameda Talbog 4 336x224 - Lea matagal nang pantasya ni GeraldDahil sa “Miss Saigon” at sa pagtira nang mahigit dalawang taon sa London, England ay maraming nabago kay Gerald Santos. Inamin niya na sa unang tatlong linggo niya roon ay iyak daw siya nang iyak.

Pero, natuto na nga raw siyang mabuhay nang mag-isa na siya lahat ang kumikilos sa bahay gaya ng pagluluto, paglilinis at paglalaba.

May panahon daw na puro de-lata o canned goods ang kinakain niya, dahil wala raw siyang oras magluto.

Anyway, dream come true kay Gerald ang makasama si Lea Salonga sa isang play, ang “Sweeny Todd”. Idolo na raw niya si Lea noon pa, kaya hindi siya makapaniwala na makakasama na niya ito.

Anyway, si Gerald ang napiling umawit ng theme song ng “Isa Pang Bahaghari” na pelikula nina Nora Aunor, Philip Salvador at Michael de Mesa, na dinirek ni Joel Lamangan.

Hindi pa patay ang pelikulang Pilipino – Direk Joel

Sa pakikipag-usap ko kay Direk Joel Lamangan, sinabi niyang hindi totoo na namamatay na ang pelikulang Pilipino. Aminado siyang hindi na ganu’n karami ang mga pelikulang ginagawa pero meron pa rin.

Ang problema lang daw ngayon ay iba na ang pamamaraan ng panonood ng movie. Gaya ng mga YouTube, Netflix, iflix at iWant.

Isa pa ay super mahal na kasi ng bayad sa mga sinehan. Nasa mall na kasi ang mga sinehan unlike noon na naglalakihan ang mga movie theatre sa kung saan-saan.

Ang iba naman ay mas gusto pang manood na lang sa kanilang mga bahay. Doon nga naman ay hindi na sila gagastos unlike sa labas na dapat ay may P1,000 bawat isang tao para makapanood ng sine at kakain pa sa labas.

Alden super lakas ng hatak sa masa

Iba talaga ang hatak sa masa ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil hindi pa man nagsisimula ang pilot airing ng kanyang teleserye, nakakuha na agad ito ng first spot sa trending list sa Twitter. Mainit na tinutukan at inabangan ng sambayanan ang world premiere ng kanyang primetime series na star-studded ang cast at may hatid na inspirasyon at aral sa mga viewer.

Excited si Alden sa pagbabalik-drama niya, kaya nagkaroon pa siya ng immersion at nag-interbyu ng mga dating sighted na tao na nawalan ng paningin, tulad ng nangyari sa karakter niyang si Sep.

Tekla ‘di mabaho sa mga fan

Sunod-sunod ang blessing sa buhay ng comedian na si Super Tekla. Bukod sa comedy talk show niya tuwing Linggo at mga concert abroad, ipapalabas na rin ang movie niyang “Kiko En Lala”.

Gaganap si Tekla bilang conjoined twins na sina Kiko at Lala na magugulo ang relasyon nang gustuhin nilang maghiwalay ngunit iisa lamang ang maaaring mabuhay.

Sa direksyon ng award-winning direktor na si Adolfo Alix Jr., kasama rin sa pelikula si Ai Ai Delas Alas.

Bongga si Tekla, dahil sunod-sunod at mabangong-mabango ang career niya. Hindi siya mabaho sa mga fan, na tulad ng iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *