Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tibo

Sa mainit na usapin at pagtalakay sa bill na ito sa Kongreso, para sa pantay na karapatan ng LGBTQ+, nag-tweet nga si Lea ng hashtag niya na #YesToSogieBill.

The post Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tibo first appeared on Abante.

lea k brosas palaban sa karapatan ng mga beki tibo - Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tibo
lea 2 - Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tibo

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 14 300x200 - Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tiboSa mainit na usapin at pagtalakay sa bill na ito sa Kongreso, para sa pantay na karapatan ng LGBTQ+, nag-tweet nga si Lea ng hashtag niya na #YesToSogieBill.

Ikinabit ni Lea ang kanyang tweet sa tweet ni @scoutmagph sa pagkalat ng mga Bible verses para lang mapigil ang pagsasabatas ng Sogie Bill.

“Since everyone’s spewing Bible verses to invalidate the LGBTQ+ community, we have some Bible verses of our own c/o of @propelmanila #LoveVersesHate #yestosogiebill.”

Tungkol din sa Bible verses ang laman ng sunud-sunod na tweet ni K.

“Naniniwala ako sa universal law of karma, ano man religion mo o wala at kahit ano pa sexual keme mo. Gumawa ka ng mabuti, babalik sayo at gumawa ka ng mali yon din…lahat tayo pasok jan…lahat tayo nagkakamali…pero sana lahat din tayo may equal rights… Bow. #SOGIEEqualityNow.”

KC sumakit likod sa pag-aaral

Balik-eskuwela sina Ogie Alcasid at KC Concepcion na ibinalita nila sa kani-kanilang Instagram.

Sa IG at FB post ni Ogie ipinost niya ang letter advisory na nagsasabing tanggap na siya sa papasukang paaralan.

Ayon sa caption ni Ogie, binalak niyang mag aral sa loob ng 12-weeks nitong panahon ng pandemic. Alinlangan daw siya noong una, pero itinuloy niya, at masarap daw sa pakiramdam

Binalikan din ni KC ang naiwang schooling online bago magpamdemya.

Humihingi ng payo si KC sa kanyang mg fan kung kailangan niyang mag-set up ng study corner. Sumasakit daw ang likod niya sa paga-aral sa iba’t ibang lugar sa kanyang bedroom.

Talitha, Poleng bitamina ni Bossing

Halos kumpleto ang pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa ika-3 kaarawan ni Talitha. Nakaposte sa Instagram ni Pauleen ang mga photo nilang magkakamag-anak.

Sa pamilya ni Vic ay present sina Oyo Sotto-Kristine Hermosa at mga anak nila. Dumalo rin si Danica Sotto at mga anak. Sa side naman ni Pauleen ay dumalo ang mga magulang niya at kapatid.

Hindi ko lang nakita sina Pasig City Mayor Vico Sotto. Posibleng may importanteng trabaho si Vico sa Pasig at baka nag-iingat na rin dahil araw-araw nga ay nasa labas siya, at mahirap na magpunta siya sa lugar na puro bata, para sa safety na rin ng mga nasa party.

Anyway, sobrang happy ni Talitha sa kanyang birthday. Pero sa totoo lang, mas masaya sina Vic at Pauleen sa nakita nilang kaligayahan ng anak.

Sa mga phot nga ay makikita kung gaano kasaya, at kalakas si Bossing, ha! Sabi nga, bitamina talaga niya sina Poleng at Tali.

***

Denise napurdoy sa pandemya

Hindi ikinahiya ni Denise Laurel na maghihigpit siya ng sinturon para magkasya ang naipon niyang pera sa mga susunod na buwan.

Sa kanyang Instagram story, sinabi niyang ilang buwan na siyang walang trabaho dahil sa pandemya.

Hindi nga raw niya mabigyan ng reward ang anak na mataas ang academic grades. Idinaan na lang niya sa prank ang pagbibigay ng play station sa anak, na isang image lang pala at hindi totoo.

Buti na lang daw at naiintindihan ng kanyang anak ang kanilang pagtitipid.

The post Lea, K Brosas palaban sa karapatan ng mga beki, tibo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *