Lasenggong aktor balik eksena

Aktibo na naman sa pag-arte ang isang kilalang male personality na kapag nasasayaran ng agua de pataranta ang lalamunan ay nag-aasal ewan.

The post Lasenggong aktor balik eksena appeared first on Abante News Online.

lasenggong aktor balik eksena - Lasenggong aktor balik eksena
lasing 1 - Lasenggong aktor balik eksena

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Lasenggong aktor balik eksenaAktibo na naman sa pag-arte ang isang kilalang male personality na kapag nasasayaran ng agua de pataranta ang lalamunan ay nag-aasal ewan.

Nakapanghihinayang naman kasi talaga ang kanyang talento kung mababalagoong lang, magaling siyang umarte, pinakakain niya ng ali­kabok ang kanyang mga kaeksena.

‘Yun nga lang, kapag nakakainom na siya ay pumapasok sa kanyang sistema ang gulo, siya mismo ang gumagawa at naghaha­nap ng away.

Kuwento ng isang source, “Marami nang nagbabantay sa kanya ngayon habang nagtatrabaho. Hindi na niya puwedeng gawin ang nakasanayan niyang umiinom kahit nasa linya siya ng trabaho!

“Kinakausap na siya ng mga taga-production, hindi na siya puwedeng tumikim man lang ng alak habang gumigiling pa ang mga camera. Puwede niyang gawin ‘yun, pero kapag pack-up na siya, malinaw ang usapan!

“Dati kasi, e, pinaba­yaan siyang uminom kahit nagtatrabaho siya, kaya kapag ngenge na siya, away na ang kanyang hinahanap. Hindi na niya magagawa nga­yon ang ganu’n!” madiing kuwento ng aming impormante.

Kung talento sa pag-arte ang pag-uusapan ay sumusubo sa galing ang kilalang male personali­ty. Kaya niyang makipag­sabayan kahit kanino.

Patuloy ng aming source, “Kaso, kayang-kaya rin niyang makipag­sabayan sa tomaan sa kahit sino at kahit kailan! Paggising pa lang yata ng lalaking ‘yun, e, alak na ang pangmumog niya! ‘Yun na rin ang kape niya! ‘Yun na ang iniinom niya at hindi water!

“Sana nga, e, magbago na siya. Tantanan na niya ang pakikipaglaban sa bote ng alak, dahil siya ang siguradong tutumba at hindi ang alak na hinahamon niya!” hiling ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Yam napansin sa “Halik”

Nagsarado na ang telon ng seryeng Halik. Ang kuwentong mas nagpamalas pa sa galing umarte ni Jericho Rosales, ang nagbigay ng pagkakataong makilala si Yam Concepcion sa papel na mistress, ang naghandog din kay Yen Santos ng exposure at kay Sam Milby na hanggang sa pinakahuling kuwadro ng serye ay tinatawag na Christmas ham ng marami ang ­acting.

Tulad ng inaasahan sa mga serye at nobela, ang mga nagkasala sa simula ay binabanlawan sa bandang huli, sentrong paksa ang pagsisisi at pagpapatawad.

Pagdating sa ganu’ng tema ay panalung-panalo si Jericho na ipinanganak na hindi lang bibig ang nagsasalita kundi pati ang kanyang mga mata.

Ang ganda-ganda ng kanyang litanya sa pagtatapos ng Halik, ang kanyang sabi, “Meron na bang tunay na na­ging eksperto sa pakikipagmahalan? Kailan ba tama lang at tama na ang pakikipagrelasyon?

“Luluha tayo, balde-balde, masasaktan tayo nang todo, pero ang pinakamahalaga ay patu­loy pa rin tayong bumabangon at nagmamahal,” humigit-kumulang ay pahayag ng magaling na aktor na pati boses ay umaayon sa tamang pag-arte.

Sinubaybayan namin ang Halik. Sa mga panahong barado ang kalye sa trapik at may trabaho kami sa labas ay ipinate-tape pa namin ang serye. Interesante ang takbo ng kuwento ng Halik dahil sa isyu ng kaibigan at pangangaliwa.

Masyadong kina­awaan ng manonood ang papel ni Jericho bilang si Lino na iniiput-iputan sa ulo ng kaliwete niyang misis na si Jade.

Palasak na ang ikot ng istorya pero dahil mahuhusay ang mga artistang gumaganap ay nagtagumpay ang ABS-CBN sa panggabi nilang programa.

Sa pangkalahatan ay si Yam ang nanagana sa seryeng ito. Siya ang napansin, siya ang gustong sabunutan ng publiko, siya ang masarap ibitin nang patiwarik sa kawalanghiyaan sa kuwento.

Kabaligtaran ‘yun ng aktres sa tunay na buhay. Lumang tao si Yam Concepcion, naniniwala siya sa tapat na pakiki­pagrelasyon, hindi tulad ni Jade na napakasarap pakainin ng siling-labuyo sa panonorotot sa kanyang mister.

The post Lasenggong aktor balik eksena appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *