Laplapan nina Ice, Mylene nakakabaliw

Kaloka ang “Call Me Tita” na napapanood ngayon sa iWant ng ­ABS-CBN­­,­ ha! Ang tapang! Ang bongga! Ang landi!

laplapan nina ice mylene nakakabaliw - Laplapan nina Ice, Mylene nakakabaliw
mylene 2 - Laplapan nina Ice, Mylene nakakabaliw

Kaloka ang “Call Me Tita” na napapanood ngayon sa iWant ng ­ABS-CBN­­,­ ha! Ang tapang! Ang bongga! Ang landi!

Yes, nagulat ako sa mga eksena nila, ha! Una na nga riyan si ­Mylene Dizon, na walang takot na nakipaglaplapan kay Ice Seguerra, ha! Parang hindi ako sanay na makita si Ice na ginagawa ‘yon, dahil ang ­pagiging singer talaga ang mas nai-imagine ko sa kanya, at siyempre ‘ yung pagiging batang artista niya na nagpapatawa, ha!

Parang oo talaga, medyo affected ako sa mga eksena nila ni Mylene, ha!

Halikang walang patumangga, pero ramdam na ramdam mo ang pagmamahalan sa kanila, dahil sa husay nilang ginampanan ang mga papel nila.

Ano kaya ang say ni Liza Dino-Seguerra? I’m sure, ­tatawa-tawa lang siya, dahil artista rin naman siya, at nauunawaan niya ang mga ganu’ng drama.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *