Lani nahihilo ‘pag nakatayo

Natuwa naman ang concert producer na si Anna Puno dahil after so many months, nagkita uli sila ni Lani Misalucha.

The post Lani nahihilo ‘pag nakatayo first appeared on Abante.

lani nahihilo pag nakatayo - Lani nahihilo ‘pag nakatayo
abante tonite copy 1 27 - Lani nahihilo ‘pag nakatayo

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Lani nahihilo ‘pag nakatayoNatuwa naman ang concert producer na si Anna Puno dahil after so many months, nagkita uli sila ni Lani Misalucha.

Nagpunta kasi ang Asia’s Nightingale sa Doon Thai restaurant ni Anna sa Magallanes, Makati City kasama ang mister na si Noli Misalucha.

Ilang beses na ring nakapunta sa nasabing restaurant si Lani bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic at bago rin sila nagkasakit ng kanyang mister.

Anyway, sa tsikahan namin ni Anna kahapon, kinumusta ko kung ok na ba si Lani.

“She is good and recovering pa rin,” sabi ni Anna.

Tinanong ko siya kung ok na ang panimbang ngayon ni Anna.

Noong taping kasi ng Christmas special ng “The Clash” ng GMA 7 ay nakaupo lang si Lani dahil hindi pa nga raw kayang tumayo dahil wala pang balance.

“Nakakatayo na naman siya, pero nahihilo pa rin ng konti. Kawawa nga, pero sana tuluyan na siyang gumaling,” sabi pa ni Anna tungkol kay Lani na naapektuhan din ang pandinig sa isang tainga dahil sa bacterial meningitis.

Well, sana nga magtuloy-tuloy na ang paggaling ni Lani pati ng kanyang mister (dalawa silang nagkaroon ng parehong sakit).

Shawie sariwa ang itsura

Birthday ngayon ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta! Aba, 55 years old na si Shawie, pero in fairness, fresh na fresh pa rin ang hitsura niya, huh!

Nasa out of town ang Megastar kasama ang kanyang pamilya noon pang January 2 at ayon sa isang Team Sharon na nakatsikahan ko, hanggang sa Saturday pa ang birthday break niya.

Wala raw kasama sa Team Sharon, kaya walang official shoot for her vlog.

“Pero kasama nila si Yaya Hanzel, kaya baka may videos and photos pa rin na puwedeng mailabas sa vlog,” sey ni Nancy Yang na isa sa force behind Team Sharon.

Ang Team Sharon daw kasi, working while the Megastar is in her birthday break.

“May mga inihahandang shoots. May endorsements shoots din na pag-uwi ni Shawie,” sey pa ni Nancy.

Anyway, ang bongga lang ng Megastar sa latest posts niya lalo na ‘yung naka-swimsuit siya at nabanggit nga niya na mga 20 lbs na lang at balik na ang dating katawan niya.

Ang laki na talaga nang ipinayat ni Shawie, kaya marami talaga ang bilib sa Megastar. Knowing Shawie naman, kapag gusto niyang magpapayat, nagagawa niya.

For sure, kapag nagsimula na siya sa “Your Face Sounds Familiar” (na si Luis Manzano na raw ang host dahil nasa TV5 na si Billy Crawford), ay mas malaki pa ang ipapayat ni Shawie, huh!

Go, go, go, Shawie. And of course, Happy, Happy Birthday our dear Megastar!

Pops may bagong pasabog

Ang Concert Queen naman na si Pops Fernandez, nag-wish na sana ay tuluyang mawala na ang COVID-19 ngayong 2021. Kagagaling lang ni Pops sa Balesin Island kung saan nag-spend sila ng mga anak na sina Robin at Ram ng Christmas break kasama si Martin Nievera, ang anak nito na si Santino, plus some family and friends.

Nakapag-recharge raw mabuti si Pops at pinaghahandaan uli ang balik-taping para sa “eXes and whYs” nila ni Martin for Colours channel ng CignalTV kung saan ay isa siya sa producers.

Marami pang ibang projects na ilo-launch si Pops at ang ShowBoxx Media business partner niyang si Jojie Dingcong.

Secret pa nga lang daw ‘yung fourth show na gagawin nila, pero exciting daw ‘yon.

Isa nga pala si Pops sa mga taga-showbiz na napakarami ring pinagkakaabalahang mga business kasi may pandemic pa rin.

At least bongga!

The post Lani nahihilo ‘pag nakatayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *