Landiang Joshua-Janella ikinapoot ni Markus

Masigla at all smiles na dumating ang young actor na si Markus Paterson sa programang “Tonight With Boy Abunda” upang sagutin ang maiinit na katanungan ni Tito Boy.

landiang joshua janella ikinapoot ni markus - Landiang Joshua-Janella ikinapoot ni Markus
paterson - Landiang Joshua-Janella ikinapoot ni Markus

Masigla at all smiles na dumating ang young actor na si Markus Paterson sa programang “Tonight With Boy Abunda” upang sagutin ang maiinit na katanungan ni Tito Boy.

Sinimulan ni Tito Boy ang tsikahan nila sa pagtatanong tungkol sa upcoming iWanTV series kung saan kabilang siya sa mga gaganap simula ngayong araw, Oktubre 11.

Matapos nito’y pinag-usapan naman ‘yung closeness ni Markus kay Sue Ramirez, sabay tanong ni Tito Boy kung nagseselos ba dito si Janella Salvador. Itinanggi naman ito ng aktor dahil kapwa matalik na kaibigan nilang dalawa ni Janella si Sue.

Tungkol naman sa closeness ng parehas na panig ng kanilang pamilya, maganda naman daw ang relasyon nila sa isa’t isa.

Aniya, gusto ng kanyang magulang si Janella at ganoon din ang kanyang nararamdaman sa ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador.

Mas gusto rin ni Markus na tinatawag si Janella sa mismong pangalan nito kaysa sa “Jea” o “Jay”, pero hindi itinuloy ni Markus kung ano ang exception kapag nickname ang itatawag niya kay Janella. Humirit naman si Tito Boy na “unless it’s babe” sabay tumawa na lang si Markus.

Tinanong naman ni Tito Boy kung pinagselosan ba ni Markus si Joshua Garcia dahil sa mainit na pinag-uusapan ang tambalan nila ni Janella sa “The Killer Bride”.

“Nu’ng una yes, of course that’s a natural thing!” lantarang sagot naman ng aktor.

So ayun na nga, nahuli na! May pagseselos na nagaganap! Pero may paliwanag diyan ang aktor.

Sinabi niya na maganda kasi ang chemistry ng dalawa dahil mahuhusay silang aktor o aktres.

Huling hirit na tanong ni Tito Boy ay kung kaninong pangalan ang makikita kapag binuksan ang puso ni Markus at matapang na sagot nito’y si Janella ang nilalaman nito. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *