Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker

Bilib na bilib ang ibang lahi sa galing ng Idol hopefuls sa “Search for the Idol Philippines” matapos purihin ng iba’t ibang foreign singers at YouTube reactors ang kanilang audition performances online.

The post Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker appeared first on Abante News Online.

lance ng butuan pinabilib sina brian mcknight anita baker - Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker
Busa Tupaz Lance - Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker

Bilib na bilib ang ibang lahi sa galing ng Idol hopefuls sa “Search for the Idol Philippines” matapos purihin ng iba’t ibang foreign singers at YouTube reactors ang kanilang audition performances online.

Bagama’t kakapalabas lamang ng audition clip niya nitong Linggo (Mayo 12), agad ngang napansin ng American singing legend na si Anita Baker ang galing ni Lance Busa mula Butuan City matapos siyang i-follow nito sa Twitter at ni-retweet ang performance niya na may caption na “Soul music alive and well with our friends in the Philippines.”

Dagdag din sa mga taga-hanga niya ang isa pang American singer na si Brian McKnight na nag-follow din sa kanya sa Instagram. Pinuri rin ang nakabibilib niyang performance ng “American Idol” season 7 alumnus na si David Hernandez, at ni-repost pa ng fo-reign Instagram account na @theyhavetherange.

Tuloy-tuloy pa rin ang auditions ngayong weekend na magpapabilib at aantig sa puso ng mga manonood. S­ino-sino pa nga bang Idol hopefuls ang didiretso sa Idol City?

Samantala, patuloy na nangunguna tuwing weekend ang “Idol Philippines.” Nitong Sabado (Mayo 11), nagtala ito ng national TV rating na 31.3%, kontra sa 16.9% ng “Daddy’s Gurl,” ayon sa datos ng Kantar Media. Noong Linggo (Mayo 12) naman, nagkamit ang reality-singing competition ng 27.8%, laban sa 14% ng “Studio 7.”

‘Download Mommy’ kaabang-abang

Sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayon­g gabi, nakilala na ni Kristel ang Download Mommy. Ipinilit ni Kristel na siya ang tunay na ina ni Kring at pinagsabihan si Download Mommy na itigil na ang pagpapanggap nito. Gayunpaman, dahil nangyari ang rebelasyon sa eskuwelahan, napahiya si Kring at tumakbo papalayo.

Dahil ayaw pa nitong umuwi, hiniling ni Kring kay Download Mommy na bilhan siya nito ng bagong bahay. As always, pinagbigyan naman ni Download Mommy ang kahilingan ng bata. Namangha si Kring sa kanyang bago at mas malaking bahay. Nang tawagan ni Kristel ang anak at pinakiusapan itong umuwi na, tumanggi si Kring, na lubusang nagpabahala sa kanyang tunay na ina.

Lingid sa kaalaman ni Kring, ibinunyag ni Kahel sa kanilang nanay na si Download Mommy ay nagmula sa isang app. Nasa pagawaan ng cellphone sina Kahel at Kristel upang tuluyan ng tanggalin si Download Mommy pero sagot ng may-ari na tanging si Kring lamang ang may kakayanan na tanggalin ito.

Sa bahay, nakatanggap si Kring ng notification sa app na nagtatanong kung nais niya pang ipagpatuloy ang paggamit kay Download Mommy. Pinindot niya ang ‘OO’. Tinanong ulit siya ng app na kung tanging si Download Mommy lang ang ituturing niyang tunay na ina. Wala sa sarili ulit ni Kring na pinindot ang ‘OO’.

Dahil dito, nagbago ng anyo si Kristel bilang isang cardboard standee! Ngayon, naiwan si Kring sa kanyang nag-iisang ina na si Download Mommy.

Abangan kung tuluyan na ngang magiging mommy ni Kring si Download Mommy at mananatili na lang bang cardboard standee si Kristel sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA Sunday Grande.

The post Lance ng Butuan pinabilib sina Brian McKnight, Anita Baker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *