La Greta masayang-masaya sa party ng kaibigan

Pansamantalang ‘disabled’ ngayon ang comment section ng Instagram account ni Gretchen Barretto, at sinasala lang ang mga positive remarks sa kanyang mga post.

la greta masayang masaya sa party ng kaibigan - La Greta masayang-masaya sa party ng kaibigan
gretchen 3 - La Greta masayang-masaya sa party ng kaibigan

Pansamantalang ‘disabled’ ngayon ang comment section ng Instagram account ni Gretchen Barretto, at sinasala lang ang mga positive remarks sa kanyang mga post.

Posibleng para maiwasan ng controversial actress ang mausisa at ma-bash kaugnay sa naging eksena raw nila ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto sa wake ng kanilang ama.

Maari ring ayaw mahusgahan at makuwesyon ni Gretchen sa posting niya na nakikipag-party sa engagement ng kanyang kaibigan.

Makikitang nakikipagsaya pa si Gretchen sa okasyon kasama ang kanyang live in partner na si Tony Boy Cojuangco. Pero mapapansin na nakadamit ng black si Gretchen tanda ng pagluluksa nito sa namatay na ama.

Wala pang posting si Gretchen sa napabalitang banggaan nila ni Marjorie sa lamay sa labi ng kanilang ama. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *