La Greta kasama sa China entourage

May mga ka-chismacker tayo na nasa China kasama ang delegasyon ng Gilas Pilipinas na maglalaro nga sa FIBA this weekend until Wednesday sa Foshan, China.

la greta kasama sa china entourage - La Greta kasama sa China entourage
ABANTE gretchen barretto bangaw 1 - La Greta kasama sa China entourage

abante ambuzz ambet nabus 1 336x224 - La Greta kasama sa China entourageMay mga ka-chismacker tayo na nasa China kasama ang delegasyon ng Gilas Pilipinas na maglalaro nga sa FIBA this weekend until Wednesday sa Foshan, China.

Pinag-uusapan nga du’n ang pagrampang ginagawa ni Gretchen Barretto kasama ang ilang mga kaibigan at opisyal ng gobyerno at mga kila­lang negosyante.

“Rubbing elbows talaga si La Greta,” mensahe sa amin ng isang kaibigan na kasama nga sa delegasyon.

Hindi nga lang binuking ng aming source kung sino ang kasama ng dating aktibong aktres sa showbiz na tila gusto na ngayong makilala bilang isang negosyante.

Take note nga raw na pagdating du’n ni Pres. Duterte ay kasama sa listahan si La Greta na makikihalubilo along with some Chinese official.

Taray ng lola natin, noh! Sabagay, hindi naman stranger sa sport si Gretchen dahil minsan sa isang parte ng kanyang buhay ay nainlabey siya at nakisama sa isang da­ting big star noon ng PBA, ‘di ba?

Julia-Gerald-Bea isyu ginagamit ni Dennis?

May himig naman ng pagtataka at halong inis si Dennis Padilla sa mga nag-aakusang nakikisakay lang din siya sa “iskandalo” ng anak na si Julia Barretto kina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Hindi nga maiiwasang mapagbintangan siya lalo pa’t meron siyang pinu-promote na movie na tila nagbabalik-bida sa kanya kasama sina Janno Gibbs at Andrew E.

“Normal na ganu’n nga ang iisipin ng marami pero nagpapakatotoo lang po ako sa pagsagot sa mga nagtatanong. Eh ‘di huwag nila akong hi­ngan ng sagot sa isyu, para walang gulo,” or words to that effect na pahayag ng komedyante.

Basta siya raw ay sumagot lamang ng kanyang nalalaman at naengkuwentro sa mga naging kaganapan sa buhay pag-ibig ng anak.
Anuma’t anuman daw ang mangyari, anak pa rin niya si Julia at para dito ang kanyang suporta at pagtatanggol.

Sa katunayan nga raw ay mamarapatin na lang niyang huwag nang maglalabas ng kanyang totoong saloobin sa isyu dahil hindi rin naman din daw ito makakatulong.

Janella ‘di kayang sapawan si Maja

Trending at pinag-usapan nga ang buhay palang karakter ni Maja Salvador sa seryeng “The Killer Bride”.

Simple lang ang napulot naming sagot sa mga nakatutok sa serye. “Hindi keri ni Janella Salvador ang bigat ng serye kung siya lagi ang pokus ng kuwento.”

Though positive naman ang tandem ni Janella kay Joshua Garcia, hinahanap pa nga rin daw ng mga televiewer ang kakaibang istilo at presence ni Maja na proven na ang pagiging toprater sa mga kaga­yang karakter.

At dahil “buhay” naman pala ang kanyang karakter, asahan nga raw nating mabubuhay ang serye sa primetime ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *