KZ-TJ tutulong sa ‘Inspire Church Metro’

Markado ang bagong kabanata sa buhay ng bagong kasal na sina KZ Tandingan at TJ Monterde dahil nag-release sila ng makabuluhang kanta na “Can’t Wait To Say I Do,” na paraan nila para iparamdam ang nag-uumapaw nilang emosyon sa kanilang pagiging mag-asawa.

The post KZ-TJ tutulong sa ‘Inspire Church Metro’ first appeared on Abante.

kz tj tutulong sa inspire church metro - KZ-TJ tutulong sa ‘Inspire Church Metro’
abante kz tj - KZ-TJ tutulong sa ‘Inspire Church Metro’

Markado ang bagong kabanata sa buhay ng bagong kasal na sina KZ Tandingan at TJ Monterde dahil nag-release sila ng makabuluhang kanta na “Can’t Wait To Say I Do,” na paraan nila para iparamdam ang nag-uumapaw nilang emosyon sa kanilang pagiging mag-asawa.

“Gusto ko lang magsulat ng kanta na sobrang light lang na describing what you feel before the wedding,” sabi ni KZ.

“So sinulat ko lang ‘yung feeling na, ‘Grabe ang tagal kong hinintay ‘to, it was a long wait but I know it’s worth it.’”

Prodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang lo-fi na kanta, na tungkol sa kasiguraduhan at sobrang kasiyahan na papakasalan mo na ang taong mahal mo. Ini-record ng happy couple ang kanta sa bahay dahil sa pandemya, at tampok din dito ang maikling usapan ng dalawa.

Unang inilabas nina KZ at TJ ang music video ng “Can’t Wait To Say I Do” ilang oras bago opisyal na ini-release ang kanta. Ang video, na naka-upload sa YouTube channel ni KZ, ang nagsilbing anunsyo na ikinasal na sila noong Agosto 28.

Ang makukuhang revenue mula sa music video ay mapupunta sa Inspire Church Metro.

‘Wag sayangin ang oras at pakinggan na ang “Can’t Wait To Say I Do” nina KZ at TJ sa YouTube channel ng Star Music at sa iba’t ibang digital streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH). (Dondon Sermino)

The post KZ-TJ tutulong sa ‘Inspire Church Metro’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *