KZ Tandingan tumalon sa bangin

Dalawang beses umiyak ang singer na si KZ Tandingan sa mediacon ng debut movie niyang “The Art of Ligaw” kung saan kapareha niya si Epy Quizon.

kz tandingan tumalon sa bangin - KZ Tandingan tumalon sa bangin
kz 1 - KZ Tandingan tumalon sa bangin

Jun Nardo I Know Better 20 336x224 - KZ Tandingan tumalon sa banginDalawang beses umiyak ang singer na si KZ Tandingan sa mediacon ng debut movie niyang “The Art of Ligaw” kung saan kapareha niya si Epy Quizon.

Una, ang pagkuha sa kanya bilang leading lady. Eh nang padalhan siya ng script ng management niya, inakala niyang siya ang kakanta ng theme song ng movie.

Naku, nagulantang siya nang sabihing aarte siya.

“Huhuhu!” iyak ni KZ. “Kasi singer naman po ako. Nang sinabihan ako na aarte ako, ako naman, I always tell myself, you’ll never grow in your comfort zone.

“Nang sabihin sa akin na aarte ako sa ‘The Art of Ligaw’, tumalon ako sa bangin!” saad niya.

Inalalayan siya ng direktor na si Jourdan Bautista at isa sa producers na si Anna Maniego. Isinabak siya sa workshop at ang dami niyang natutunan.

Sa totoo lang, siya ang kinuha ni direk Jourdan dahil sa kanyang kakaibang hitsura. Paborito niya kasi ang prutas na durian kaya ‘yun ang comparison niya kay KZ.

Matapos magkuwento sa experiences niya sa unang pelikula, natanong din si KZ kung ano ang naging problema sa nakaraang US tour niya na hindi natapos.

“I was heartbroken! Dream ko talagang magkaroon ng US concert tour.

“Nagkaroon ng problema sa ilang promoters. Meron silang provisions sa contract na hindi sila nag-comply.

“Pero nang may nakiusap sa akin na kumanta kahit 3-4 songs, pinagbigyan ko sila. Hindi lang tatlo o apat na kanta!

“One and half hours ang performance ko kahit kulang-kulang ang musicians ko! Kaya nalulungkot ako dahil hindi natapos ‘yung ibang leg.

“I hope maintindihan ‘yon ng nagmamahal sa akin. See you soon!” diin ni KZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *