KZ kinakantahan sa kama si TJ

Halos tatlong buwan na ngang kasal sina KZ Tandingan at TJ Monterde, kaya naman ang dami-dami pa nilang nadidiskubreng bago sa isa’t isa lalo na magkasama na sila ngayon sa bahay.

The post KZ kinakantahan sa kama si TJ first appeared on Abante.

kz kinakantahan sa kama si tj - KZ kinakantahan sa kama si TJ
kz - KZ kinakantahan sa kama si TJ

Halos tatlong buwan na ngang kasal sina KZ Tandingan at TJ Monterde, kaya naman ang dami-dami pa nilang nadidiskubreng bago sa isa’t isa lalo na magkasama na sila ngayon sa bahay.

Sa panayam sa kanila sa “Magandang Buhay,” ibinuking ni TJ ang Asia’s Soul Supreme at sinabing non-stop daw pala itong kumakanta sa bahay ngunit hindi naman daw ito nakakairita.

“Pag sinabi kong lagi siyang kumakanta, lagi talaga siyang kumakanta. Sa lahat ng oras,” sabi ni TJ.

At kahit daw sa kama ay nagre-request daw siya kay KZ na kantahan siya para makatulog.

“Dati kasi lagi ko siyang sinasabihang, ‘babe, kantahan mo naman ako pampatulog.’ Ngayon, siya na mismo ang nasa tabi ko at kainkantahan niya ako. Dati sa phone lang, pero ngayon live na,” ang sweet na paglalahad ni TJ.

Todo-puri naman si KZ kay TJ dahil daw sa sobrang pagiging maalaga nito. Bago raw nagla-lock in si KZ para sa “ASAP Natin ‘To,” gumigising nang maaga si TJ para ipaghanda ang lahat ng kailangan niya.

“Pinaghahanda niya ako ng pagkain. Minsan yung damit ko pang-alis, siya na lang nag-steam para magawa ko na ang ibang mga bagay na kailangan kong gawin. Gagawan na niya ako ng kape paggising ko sa umaga. ‘Yung mga gamot na kailangan kong i-take, alam niya yung oras, memorize niya. Yung mga bagay na iyon sobra kong naa-appreciate,” ang rebelasyon ni KZ. (Dondon Sermino)

The post KZ kinakantahan sa kama si TJ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *