Kyline type ni Mavy Legaspi

Naghahanda na si Mavy Legaspi, anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, para sa paparating na weekend comedy-gag-variety show na ‘Flex.’ Makakasama ni Mavy bilang Flex Leaders sina Lexi Gonzales, JD Domagoso, at Althea Ablan.

The post Kyline type ni Mavy Legaspi first appeared on Abante.

kyline type ni mavy legaspi - Kyline type ni Mavy Legaspi
Kyline Alcantara 4 - Kyline type ni Mavy Legaspi

Naghahanda na si Mavy Legaspi, anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, para sa paparating na weekend comedy-gag-variety show na ‘Flex.’ Makakasama ni Mavy bilang Flex Leaders sina Lexi Gonzales, JD Domagoso, at Althea Ablan.

Ipakikita ng mga Gen Z artist ang kanilang husay sa musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

“Siyempre, tuloy pa rin ang AOS at Sarap ‘Di Ba? But my goal for 2021 siyempre is to really make a bang for Flex. I’m really focused on that also. And, of course, when the opportunity arises na magseserye ako, I will take it kasi I’m really just preparing right now,” sabi ni Mavy.

Kung ang kambal niyang si Cassy ay makakatambal ng kanilang kaibigan na si JD Domagoso sa upcoming primetime series na First Yaya, si Kyline Alcantara naman ang nais makapareha ni Mavy sa isang teleserye.

“I’m really, really fine working with everyone pero siyempre may dagdag impact ‘yun ‘pag friend ko na talaga ‘yung ka-loveteam. Siyempre si Kyline, gusto ko maka-work. She’s really good,” sabi pa ni Mavy. (Dondon Sermino)

The post Kyline type ni Mavy Legaspi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *