Kyline sabik na kay Darren

Iisa ang hula ng mga fan ni Kyline Alcantara na ang lalake sa kanyang Instagram ay si Darren Espanto, na gusto niyang makita at makasama uli.

The post Kyline sabik na kay Darren first appeared on Abante.

kyline sabik na kay darren - Kyline sabik na kay Darren
abante kyline - Kyline sabik na kay Darren

Iisa ang hula ng mga fan ni Kyline Alcantara na ang lalake sa kanyang Instagram ay si Darren Espanto, na gusto niyang makita at makasama uli.

Nagkaroon ng hulaan blues ang mga follower ni Kyline sa Instagram niya at sinabi ng mga itong si Darren ang lalakeng nakatalikod sa kamera, na topless at nakaharap sa dagat.

Sabi ni Kyline sa caption: “I’ll sea you soon.” Na pinaniniwalaan ng kanyang mga sunflower na ang pagkasabik nito sa dagat at ang lalake ang tinutukoy nito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na magkakaibigan sina Darren, pati na ang kambal na sina Cassey at Mavy. Ito marahil ang ginawang basehan ng mga fan ni Kyline para i-link ito sa singer. (Rey Pumaloy)

The post Kyline sabik na kay Darren first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *