Kyline nilait dahil sa tagyawat

“Accept your uniqueness and use it to your own advantage and represent yourself proudly thru it.”

kyline nilait dahil sa tagyawat - Kyline nilait dahil sa tagyawat
kyline 5 - Kyline nilait dahil sa tagyawat

“Accept your uniqueness and use it to your own advantage and represent yourself proudly thru it.”

‘Yan ang isa sa mga pahayag na itinatatak ngayon ni Kyline Alcantara sa kanyang mga fan habang ikinukuwento ang kanyang madilim na pinagdaanan sa kanyang balat sa mukha.

Ibinahagi ni Kyline sa kanyang Instagram ang mapait na karanasan kung saan naglabasan ang maraming tagyawat sa kanyang mukha. Mula noo, pisngi at baba ay tinubuan ng maraming tagyawat at nakatanggap siya ng pangungutya mula sa iba’t ibang tao.

Hindi nga rin aakalain sa unang tingin na si Kyline pala ang nasa litrato, hindi rin makapaniwala ang mga fan sa naging karanasan ng aktres.

“Yes it happened to me. It started March last year, it started with one zit, and then it became two until I can’t count them anymore,” sabi ni Kyline sa unang bahagi ng kanyang salaysay.

“Imagine people are always expecting you to be at your best, to look perfect, to look like the polished girl that they see in TV and magazines, but you can’t even look at yourself in the mirror,” dagdag pa ni Kyline.

Ramdam nga talaga ang bigat na pinagdaanan ni Kyline sa kanyang kuwento.

“There were times before na habang nag-aayos ako for showbiz commitment na bigla nalang ako naiiyak because at the back of my head ‘how am i going to face them?’. I was judged, I was bashed and bullied for putting too much make-up (people telling me na ang kapal ng make-up mo pero puro ka pa din tigyawat) during that time but what they don’t know is make up nalang kakampi ko noon,” sey pa ulit ng bida sa “Black Lipstick”.

Bago man natapos ang kanyang salaysay, hinikayat ng aktres na manatiling positibo ang mga taong nakararanas ng ganoon at tanggapin ano man ang mangyari sa kanilang mga balat. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *