Kyline kumulo dugo sa anak ni Nuezca

Sabay-sabay na umalma, kinondena nina Kyline Alcantara, Rhap Salazar, Maris Racal ang pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Gregorio sa harap mismo ng anak niyang babae.

The post Kyline kumulo dugo sa anak ni Nuezca first appeared on Abante.

kyline kumulo dugo sa anak ni nuezca - Kyline kumulo dugo sa anak ni Nuezca
Kyline Alcantara 5 - Kyline kumulo dugo sa anak ni Nuezca

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Kyline kumulo dugo sa anak ni NuezcaSabay-sabay na umalma, kinondena nina Kyline Alcantara, Rhap Salazar, Maris Racal ang pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Gregorio sa harap mismo ng anak niyang babae.

Idinaan sa tweet ng mga nabanggit na star ang galit nila sa krimen na nag-trending ang actual footage ng pagbaril sa ulo nina Sonya at Gregorio.

“No, hija. Your father is a criminal, and you’re a little spoiled brat that knows how to speak English, but doesn’t know right manners. Nakakagalit sobra. Ang sakit sa puso”

Maririnig sa video na ipinangalandakan pa ng bata sa salitang English sa dalawang biktima na pulis ang kanyang ama.

“Disgusting father and daughter tandem. May you both rot in hell!!!” sabi ni Rhap Salazar.

“Woke up to that video. Grabe ganun na lang kabilis talaga pumatay no???” Paano na lang kung walang video?” saad naman ni Maris Racal.

Naka-hashtag sa mga tweet ng mga nasabing artista, singer ang #StopTheKillingsPH.

***

Philmar aalagaan anak ni Andi kay Jake

Sa wakas matitikman na ni Andi Eigenmann ang magkaroon ng asawa at legal na pamilya ngayong engaged na sila ng live-in partner na si Philmar Alipayo.

Ibinahagi ni Andi sa Instagram ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Philmar. Naganap ang proposal habang nasa Anilao Batangas sila kasama ang kanilang anak na si Lilo at panganay ni Andi na si Ellie.

Sa kanyang Instagram ay nangako si Philmar na aalagaan hindi lang ang kanyang mga anak kay Andi kundi maging si Ellie.

@chepoxz: “She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you. Promise to take care of you, ellie, lilo and our coming baby number 3 and make you laugh more and more everyday. Together hinay hinajan nato maabot an ato mga pangandoy sa ato kinabuhe para sa ato pamilta. Mahal ko kamo karajaw gikan sa tibook nako kasing2.”

Buntis ngayon si Andi sa ikalawang anak kay Philmar.

***

Zsa Zsa nakita ang sarili kay Karylle

Weird ang pakiramdam sa sarili ni Zsa Zsa Padilla nang makita niya ang panganay na anak na si Karylle sa ASAP. Sa tweet sinabi ni Zsa Zsa na parang nag-flashback sa kanya ang mga younger days ng singing career niya nang mapanood niya si Karylle na nagpi-perform.

“So, the weirdest thing happened. I looked at K while singing and saw myself. Hahaha! After the number I said, K, I was looking at your eyes and saw me look back (at me).”

Hindi na pinagtakhan ng netizen ang tweet ni Zsa Zsa dahil kuha ni Karylle hindi lang ang kaseksihan at ganda ng kanyang nanay, kundi ang kakaibang style ng vibrato sa pagkanta nito.

The post Kyline kumulo dugo sa anak ni Nuezca first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *