Kyline, Jeric nilampaso ang kalaban

Sa set ng Daig Kayo Ng Lola Ko ay la­ging dumadagsa ang mga fan na inaabot ng madaling-araw at ang iba ay matiyagang nagbabantay sa mga idolo nila hanggang matapos o ma-pack up ang taping.

The post Kyline, Jeric nilampaso ang kalaban appeared first on Abante News Online.

kyline jeric nilampaso ang kalaban - Kyline, Jeric nilampaso ang kalaban
Abante 2019 Kyline - Kyline, Jeric nilampaso ang kalaban

Sa set ng Daig Kayo Ng Lola Ko ay la­ging dumadagsa ang mga fan na inaabot ng madaling-araw at ang iba ay matiyagang nagbabantay sa mga idolo nila hanggang matapos o ma-pack up ang taping.

Matiyaga nga nilang binabantayan sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales at in return ng mga artista ay binibigyan nila ng panahon na maki-bon­ding at makipagbiruan sa kanila.

Kaya lalo nilang minahal ang dalawa na bumuo ng KyRic Lovers. May iba pang fan group na nagbabantay din at lahat sila ay magkakaibigan at buo ang suporta sa dalawa.

Kaya naman nasa ikatlong episode na ng Daig Kayo Ng Lola Ko na sina Jeric at Kyline ang magkatambal ay ang taas-taas ng ratings. Nilampaso nila ang kalaban, ha!

Ngayon lang nag-sink in sa amin ang lakas ng KyRic fans na laging trending kapag Linggo bago at habang umeere ang Daig Kayo Ng Lola Ko. Nagbabalik tanaw tuloy kami sa mga Nora Aunor, Vilma Santos days na sandamakmak ang fans na dumadayo sa mga shooting location nila noon.

Naalala muli namin ang komento ng pamosong si Anthony Bova na nag-a-acting workshop from New York kung papaano pinuri ang mga acting exercises ni Jeric lalo na raw sa paggalaw ng mata nito na maraming expression na magagawa.

Kaya nga naalala namin si Ate Guy na mata pa lang umaakting na. Mukhang ito na nga ang taon ni Jeric na katatapos lang as lead sa Ika-5 Utos.

Sana magtuloy-tuloy na ito at nananawagan ang mga KyRic fan na mabigyan sila ng magandang tambalan nina Kyline at Jeric sa isang teleserye.

Bianca, Miguel na­ngangamoy balikan

Nag-pilot na ang Sahaya nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Naging maganda ang feedback mula sa mga netizen, at in fairness nag-trending din sa Twitter.

Sama-sama ang BiGuel fans na nag-ingay sa Twitter kaya nag-number one ito. Madami pa rin fans ang dalawa kahit alam naman natin na nagkaroon ng lamat ang tambalan nila. Umaasa pa rin ang mga fan na magkakabalikan ang dalawa.
Anyway, walang nabago sa sweetness nila at ganu’n pa rin ang trato nila sa isa’t isa.

Rita, Ken gustong ma­yakap ng mga Pinoy sa Amerika

Kung noon ay one of those lang at laging support ang role ni Rita Daniela ay kabaligataran na ngayon after ng successful na teleserye na My Special Tatay kung saan role ni Aubrey na nagpabago ng buhay niya ngayon.

Noon daw ay naaliw si Rita kapag binibisita ng mga fan si Barbie Forteza at with matching gifts pa. Ngayon daw ay siya na ang binibisita ng mga fan at may dalang food at gifts din. Mga mamahalin gifts pa ang natatanggap niya. Ganu’n daw pala ang fee­ling ng sikat.

Noon daw ay puro work ang hanap niya pero ngayon hanap niya pahi­nga sa dami ng commitment niya. Bukod sa May Special Tatay ay may upcoming concert sila ni Ken Chan sa Music Museum sa May 11. Kasi ang lakas-lakas ng tandem nila ni Ken at balita ko may show rin sila sa Amerika sa May o June. Marami nga ang nag-aabang sa kanila sa US, ha!

Bale last two weeks na lang ang My Special Tatay at mami-miss nila ang isa’t isa.

The post Kyline, Jeric nilampaso ang kalaban appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *