Kyline, Jeric, Kristoffer malaki ang pananampalataya kay Padre Pio

Dahil Holy Week na, may kanya-kanyang eksena sa pagpapakita ng kanilang pananampalataya ang ibang mga Kapuso star. Sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin at Kyline Alcantara ay suportado ang kauna-unahang Padre Pio Mountain of Hea­ling of the North na matatagpuan sa Bgry. Paraiso 3, sa San Jose del Monte City, Bulacan.

The post Kyline, Jeric, Kristoffer malaki ang pananampalataya kay Padre Pio appeared first on Abante News Online.

kyline jeric kristoffer malaki ang pananampalataya kay padre pio - Kyline, Jeric, Kristoffer malaki ang pananampalataya kay Padre Pio
kyline jeric - Kyline, Jeric, Kristoffer malaki ang pananampalataya kay Padre Pio

Dahil Holy Week na, may kanya-kanyang eksena sa pagpapakita ng kanilang pananampalataya ang ibang mga Kapuso star.

Sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin at Kyline Alcantara ay suportado ang kauna-unahang Padre Pio Mountain of Hea­ling of the North na matatagpuan sa Bgry. Paraiso 3, sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang nasabing shrine ay pinasina­yaan kahapon, April 12, sa pamamagitan ng isang misa at blessing ng rebulto ni Padre Pio na may taas na 150 feet na nakatayo sa bundok ng Brgy. Paradise na ngayon pa lang ay dinadayo na ng mga Bulakeño at mga karatig-bayan.

Ayon sa nagpagawa nito na si Zaldy Aquino, isang businessman at philanthropist, isang dream come true ito para sa kanya na ipinangako niya sa sarili nang nanalangin sila kay Padre Pio na bigyan sila ng anak.

Buntis ang asawa niyang si Tessa sa pangatlong anak nila na plano niyang pabinyagan sa church at healing shrine na bubuksan ngayong July. 

Plano naman nina Kyline, Jeric at Kristoffer na maging bahagi sa maraming religious activities na gagawin dito sa mga susunod na araw.

Plano rin ni Zaldy na mag-imbita pa ng maraming celebrities na may calling para mas maka-attract din ng maraming local tourist­s para maging tourist attraction ito at maging pilgrimage place para sa mga deboto ni Padre Pio.

Skusta Clee natakot kay Ai-Ai

Aminado si Skusta Clee na natakot sila nang magparamdam ang kanilang manager na si Ai-Ai delas Alas na gusto silang iwanan bilang mga talent dahil na rin sa ilang bagay na nagawa nila na ikinasama ng loob nito.

Nag-sorry naman daw sila sa Comedy Queen at nagkaroon sila ng pag-uusap na naging dahilan naman upang lumambot ang puso nito at maging okey na sa kanila ang lahat.

Kaya nang ginawa nila ang pelikulang ‘Sons of Nanay Sabel’ ng Viva Films, naging isang malaking fun experience ito sa kanila kahit aminado ang lahat ng miyembro ng Ex Battalion na nahirapan sila lalo na sa first day of shooting na may naka-take 10 at take 17 sa kanila.

Ayon pa kay Skusta na isa sa may malaking following among the members, willing pa naman daw siyang gumawa ng movie basta si Ai-Ai at ang mga kuya niya sa rap group ang kanyang mga kasama.

The post Kyline, Jeric, Kristoffer malaki ang pananampalataya kay Padre Pio appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *