Kyline ginaya ang mukha, boses ni Kathryn?

Kyline ginaya ang mukha, boses ni Kathryn?

Hindi lang bangs ang nais ma-achieve ni Kyline Alcantara mula kay Kathryn Bernardo kundi maging ang box-office appeal nito. Sa interview namin sa Kapuso star para sa lalabas niyang pelikulang “Black Lipstick”, sinabi naming nahahawig na siya kay Kathryn.

kyline ginaya ang mukha boses ni kathryn - Kyline ginaya ang mukha, boses ni Kathryn?
kyline alcantara 2 - Kyline ginaya ang mukha, boses ni Kathryn?

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 17 336x224 - Kyline ginaya ang mukha, boses ni Kathryn?Hindi lang bangs ang nais ma-achieve ni Kyline Alcantara mula kay Kathryn Bernardo kundi maging ang box-office appeal nito. Sa interview namin sa Kapuso star para sa lalabas niyang pelikulang “Black Lipstick”, sinabi naming nahahawig na siya kay Kathryn.

Marahil ay sa bangs ni Kyline at sa tunog ng kanyang pananalita ay may konting pagkakahawig sa Kapamilya Asia’s Superstar, at Box-Office Queen, ganundin ang ilan sa mga anggulo nito at mga ngiti.

Ikinagulat ni Kyline ang obserbasyon namin sa kanya at sinabing hindi niya sinadyang gayahin si Kathryn sa style at galaw nito.

Pero inamin niyang kinilig at natuwa siya sa reaksyon ng mga press sa kanya lalo at parehong nagsisimula sa “K” ang kanilang pangalan ni Kathryn.

Nagbiro nga si Kyline na sana hindi lang bangs ni Kathryn ang ma-achieve niya, kundi pati na ang box-office appeal nito ay mahawahan siya.

Saludo at iniidolo ni Kyline si Kathryn, at role model sa kanya ang pagiging professional ng isa sa pinakasikat na batang aktres sa ABS-CBN 2.

Samantala, pinaghalong saya, kaba at nerbyos ang nararamdaman ni Kyline sa paglabas ng kanyang debut film. Hindi niya itinuturing na pilit o hilaw ang launching movie niya, lalo’t marami ang nagsasabing panahon na para maipakita naman sa big screen ang husay niya bilang aktres, sa “Black Lipstick”.

Julia nakabangon na sa pagkakalugmok

Hindi namamalayan ng kanyang mga fan, nakalipat na si Julia Barretto sa kanyang bagong bahay. Ibinalita ito ng controversial actress sa kanyang Instagram na may selfie photo niya at nakaupo sa sahig, katabi ng closet niya.

At sa isang larawan ay makikita ang mga dadalhin niyang gamit sa paglarga niya out of town.

Sa caption, sinabi ni Julia na kumpleto na ang paglipat niya sa bago niyang bahay. Wala pang pasilip si Julia sa kabuuan ng kanyang bahay kaya hindi pa makita ng kanyang mga fan ang itsura ng interior at exterior ng house nito.

Naka-recover na nga si Julia sa isyu nila nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Kylie ginawang malandi, kontrabida

Parehong emotional sa gitna ng kanilang pasasalamat sina Kylie Verzosa at Marco Gumabao sa pagiging bahagi nila sa nagwakas na action teleserye na “Los Bastardos”.

Sa post ni Kylie sa kanyang Instagram ng iba’t ibang acting shot niya, nakasaad sa caption ang nalampasang challenge sa pag-portray sa kanyang role.

Mahirap ang pinagdaanan ni Kylie bilang unang teleserye niya at full time acting job ang “Los Bastardos”. Mahinhin ang mga naunang character niya pero nang magkaroon ito ng pagbabago, naging action star, malandi at kontrabida.

Maraming mga highly-dramatic moment si Kylie na hindi siya mismo makapaniwala kung paano niya naitawid. Kaya ganon na lang ang pasasalamat niya sa buong production, pati na sa kasintahang si Jake Cuenca na umalalay sa kanya.

Itinuturing naman ni Marco na memorable ang pagkakasama niya sa serye dahil nasubok ang versatility niya bilang drama actor na nahaluan ng action.

Inisa-isa ni Marco sa IG post niya ang lahat ng bumubuo ng production at pati na ang mga big boss ng ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng chance na mapabilang sa cast.

Ang “Los Bastardos” ang nagbukas ng pintuan kay Marco para sumikat at magkaroon ng leading man appeal. Nasa kalagitnaan ng taping ng “Los Bastardos” ang aktor nang gawin niya ang pelikula nila ni Anne Curtis na “Just A Stranger”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *