Kyline biktima ng pambu-bully

Nalalapit sa tunay na buhay ni Kyline Alcantara ang lalabas niyang movie na “Black Lipstick”.

kyline biktima ng pambu bully - Kyline biktima ng pambu-bully
kyline 4 - Kyline biktima ng pambu-bully

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 13 336x224 - Kyline biktima ng pambu-bullyNalalapit sa tunay na buhay ni Kyline Alcantara ang lalabas niyang movie na “Black Lipstick”.

Biktima ng bullying ang Kapuso star noong bata pa siya at hindi pa gaanong pumapasok sa showbiz.

Ang “BL” ay tumatalakay sa isang millennial na biktima ng pambu-bully mula sa kanyang mga classmate dahil sa itsura ng uneven skin tone o color nito. Ang rason naman ng pambu-bully kay Kyline ay tungkol sa pagkakaroon niya ng isang broken family.

Pinagtutulungang kutyain si Kyline dahil wala itong ama.

Ito ang rason kung bakit nagtanim siya ng malalim na galit sa kanyang ama.

Matagal bago napatawad at tinanggap muli ni Kyline ang daddy nya. Umabot ito nang maraming taon.

Higit lang sa one year nang muling manumbalik ang pagmamahal niya sa dad niya nang bumalik ito sa kanilang piling at patunayang deserve nitong bigyan siya ng bagong chance ng buong pamilya niya.

Masaya si Kyline sa pagkakabuong muli ng kanyang family at ipinapakita naman ng tatay niya ang pagbawi sa kanila sa mga pagkukulang nito.

Third party ang rason ng hiwalayan sa pagitan ng ama at ina ni Kyline.

Pero ngayon, nabura na ang lahat ng hinampo nito sa kanyang tatay.

Ang “Black Lipstick” ay inaalay ni Kyline sa mga gaya niyang millennial na dumanas ng bullying.

Dapat maging matatag ang mga ito sa challenges at maging totoo pa rin sa kanilang tunay na pagkatao.

Mika nagsisi sa bagong itsura

Pinagsisihan ni Mika dela Cruz ang pagpapaayos niya ng buhok at gawin itong straight.

Nag-post ang Kapuso artist sa kanyang Instagram wall ng throwback photo niya nu’ng maliit na bata pa lang siya.

Makikita ang cute na Mika sa kulot-kulot nitong buhok.

Sa caption, nagpahayag ang dyowa ni Nash Aguas na nami-miss niya ang kanyang curly hair.

Hindi na raw sana niya ipinabago ang itsura o appearance ng dati niyang buhok dahil maganda naman ito at natural.

Nanawagan si Mika sa mga netizen na huwag siyang tularan. Kung ano ang natural at original texture ng buhok ng mga ito, huwag nang ipabago o ipa-unat.

Sabi pa, kaya ito ang buhok na ibinigay ng Diyos dahil ito ang bagay sa isang tao.

Marami ang naka-relate at nagpasalamat sa posts ni Mica.

Sharon nawasak ang buhok

Speaking of hair, nagpaiksi na ng buhok niya si Sharon Cuneta hindi lang dahil gusto niyang mag-iba ng hairstyle, na-damage na rin ito.

Tamang-tama ang pagpapagupit ng Megastar sa pag-alis niya papuntang States para sa isang business-project meeting.

Ayaw pang sabihin ni Sharon ang project hangga’t hindi pa sila tapos mag-meeting ng kanyang mga kausap.

After nito, lilipad papuntang New York si Sharon para bisitahin ang anak na si Frankie Pangilinan.

Dyowa ni Lovi kahawig ng bading na aktor

Ibinalandra na ni Lovi Poe sa social media ang mukha ng nagpapatibok sa kanyang puso sa kasalukuyan.

Isa guwapong foreigner na kasama niya sa Instagram post niya kamakailan lang.

Ang nasabing guy ang laging kumakaray kay Lovi sa abroad, kaya hindi madalas mapirmi sa bansa ang half-sibling ni Sen. Grace Poe.

In fairness, mukhang bata pa ang dyowa ni Lovi na nahahawig sa “Eat Bulaga” host at “Panti Sisters” star na si Paolo Ballesteros.

Papasang kuya o nakababatang kapatid ni Paolo ang afam na boyfriend ni Lovi.

Nananalangin lang ang mga fan ni Lovi na sana magtagal ang relationship nito sa current boyfriend nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *