Kyline, Allen Ansay mag-on na?

May “something” ba sina Kyline Alcantara at Allen Ansay? Ito ang nasagap namin mula sa isang netizen na follower ni Allen sa social media.

kyline allen ansay mag on na - Kyline, Allen Ansay mag-on na?
kylinexallen - Kyline, Allen Ansay mag-on na?

May “something” ba sina Kyline Alcantara at Allen Ansay? Ito ang nasagap namin mula sa isang netizen na follower ni Allen sa social media.

Ayon sa naturang netizen, matagal na raw napapansin ng marami na iba ang kilig ni Kyline tuwing nai-interview niya sa Allen.

Halata raw na mas binibigyan daw niya ng atensyon si Allen kesa sa ibang male contestant.

Pinadalhan kami ng video via IG ng naturang netizen at nakunan si Kyline na ang niyakap lang among the boys sa naganap na Final Judgment ay si Allen.

Makikita sa video na parang may hinahanap si Kyline noong umakyat siya sa stage pagkatapos na ma-declare na winners sina Kim de Leon at Shayne Sava. Noong makita nito si Allen, mabilis na lumapit dito si Kyline at niyakap niya ito nang mahigpit.

Mapapansin din sa video na parang nagulat si Allen sa biglang pagyakap ni Kyline sa kanya.

Bakit nga ba si Allen lang ang niyakap ni Kyline? Ibig sabihin ba nito na special sa kanya si Allen?

Wala naman kaming nakikitang masama kung sakaling may something ang dalawa. Pareho silang 16 years old at wala naman silang karelasyon.

In fairness, puwede silang gawing love team dahil pipirma rin ng kontrata sa GMA-7 si Allen. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *