Kylie, Jake super tukaan sa Bali

Ano bang meron sa Halloween at hindi lang sa mga costume nagpapatalbugan ang mga celebrity couple kundi pati na sa landian?

kylie jake super tukaan sa bali - Kylie, Jake super tukaan sa Bali
jake x kylie - Kylie, Jake super tukaan sa Bali

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 42 336x224 - Kylie, Jake super tukaan sa BaliAno bang meron sa Halloween at hindi lang sa mga costume nagpapatalbugan ang mga celebrity couple kundi pati na sa landian?

Hindi napigilan ng mga Pinoy showbiz lovebirds ang landian o display ng harutan, o ‘yung tinatawag nilang PDA (Public Display of Affection).

Parang nagpatalbugan ang mga ito na ipamalas sa netizen ang umaapaw na pag-ibig sa kani-kanilang mga dyowa.

Isang magandang example ay ang magsyotang Kylie Verzosa at Jake Cuenca, pati na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nag-post nga sila ng kanilang mga lips to lips sa Instagram.

Nagliliyab ang tukaan nina Kylie at Jake habang nasa bakasyon sa Bali, Indonesia.

Hindi naman nagpahuli sina Dennis at Jennylyn na may tukaan din habang naka-costume sa Shibuya, Tokyo.

Lantaran ang laplapan ng mga magkakasintahan sa kanya-kanya nilang mga iniibig, na ikinaloka ng kanilang mga fan, supporter.

Well, lumalabas na hindi lang ang Valentine’s Day ang araw ng mga magdyowa, kundi pati Halloween na rin, kung ang pagbabasehan ay ang ipinakitang sweetness-overload ng mga nabanggit na couple.

Jeric Gonzales kulang sa ‘bukol’

Binubulabog ni Jeric Gonzales ang kanyang mga fan sa Instagram nang mag-post siya nitong Nov. 1 ng kanyang sexy photo. Natakam ang kanyang mga supporter sa kanyang latest photo na ang suot lang ay gray underwear, at nakasandal sa pader.

Kahit walang gaanong masipat na bukol sa harapan ni Jeric, nag-iwan pa rin ‘yun ng pagnanasa sa kanyang mga fan, na nagtitili sa kilig sa kanilang mga comment.

Ang ilan ay hindi makapaniwala sa biglang paghuhubad ng kanilang idol. Ang iba naman ay parang natuyuan ng lalamunan sa naramdamang init. Umpisa na ito ng pagpapa-sexy ni Jeric sa kategorya.

Kahit payat: Billy walang sakit, hindi adik

Isang selebrasyon na maituturing ni Billy Crawford sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ang nakaraang Halloween. Sa posting niya sa Instagram ng mga larawan nila ni Coleen Garcia, sa dinaluhan nilang costume party na “Opulence” na ginanap sa Solaire, ibinalita ni Billy ang pagiging isa niyang ‘bagong-tao’.

Mababasa sa caption, na isang taon na mula nu’ng talikuran at tigilan ni Billy ang pag-inom at paninigarilyo. Ni tumikim ng alcohol ay hindi raw ginawa ni Billy sa party, maging ang humithit ng sigarilyo.

Ang mga ito ang dahilan ng kanyang selebrasyon at pinasasalamatan niya ang asawang si Coleen sa suporta nito at pagpapasensya sa kanya sa mga pagkakataong naiinis siya.

Ito ang sagot ni Billy sa mga nagdududa sa payat na pangangatawan niya ngayon. Giit ni Billy, ang slim figure ay hindi dahil may sakit siya o nagdu-droga siya. Masaya lang daw siya sa pagiging isa niyang matinong tao ngayon.

Ice Seguerra nag-enjoy sa biniling ‘boobs’ sa Japan

Trending naman si Ice Seguerra sa socmed sa pagbibida niya sa biniling travel pillow sa Japan. Ipinagmalaki ni Ice sa Instagram ang para sa kanya ay useable at convenient na mini-pillow na nabili niya.

Kaya nag-trend ang post na ito ni Ice dahil ang travel pillow na ipinapakita sa kanyang post ay korteng boobs na may mga pulang nipples pa.

Dinemonstrate pa ni Ice ang mga paraan kung paano mai-enjoy ang boobs pillow. Naroong pinisil-pisil pa ng singer ang unan, itapat ang nipple nito sa kanyang bibig habang nakahilig ito sa kanyang pisngi, at hawak-hawakan ang utong ng unan.

Isang lesbian si Ice kaya naaliw sa kanya ang mga supporter nito sa binili niyang boobs pillow. Nilagyan nito ng komedya ang pagdi-demo ng unan, kaya hindi ito lumabas na bastos sa mga nakapanood ng video post nito.

Habang nagsasalita si Ice, maririnig ang tawa ng misis niyang si FDCP Chair Liza Diño na siyang nagbi-video sa demo ni Ice.

Siguradong maghahanap ang mga gaya ni Ice ng ganitong unan, lalo’t kilalang influencer ng LGBTQ+ community ang mang-aawit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *