Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa Bali

Panay-panay ang pasarap ng magkasintahang Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa Bali, Indonesia. Hindi nabigo ang mga sumusubaybay sa dalawa sa social media, dahil naka-post ang kanilang mga lambingan sa Instagram.

The post Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa Bali appeared first on Abante News Online.

kylie jake one to sawa sa tukaan lambingan sa bali - Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa Bali
jake kylie - Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa Bali

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa BaliPanay-panay ang pasarap ng magkasintahang Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa Bali, Indonesia. Hindi nabigo ang mga sumusubaybay sa dalawa sa social media, dahil naka-post ang kanilang mga lambingan sa Instagram.

Laging may photo ang dalawa na topless si Jake at naka-skimpy two-piece bathing suit naman si Kylie. Kapansin-pansin lang na parang pinanggigilan ni Kylie ang mga pandesal ni Jake, dahil sa ilang mga larawan nilang dalawa na magkasama at magkayakap, lagi itong nakahipo sa abs ng isa sa mga lead star ng “Los Bastardos.”

Parang sinasabi nitong “akin lang ang abs nito” dahil sa pagkakahawak nito sa tiyan ng aktor.

Abot hanggang tenga naman ang mga ngiti ni Jake sa larawan nila ni Kylie.

Siyempre naman, nasungkit nga naman ni Jake ang puso ng isa sa pinakamagandang babae sa international, at makasama pa niya sa bakasyon, siya na talaga ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Aga proud sa tagumpay ni Luigi

Pinuri ni Aga Muhlach ang kanyang panganay na si Luigi Muhlach sa birthday greetings nito sa anak nila ni Janice de Belen. Nag-post si Aga ng larawan ni Luigi kasama ang asawa at tatlong anak nito.

“You’ve become your best in the past years and yet there’s so much store for you to shine and still be your best.  Simply proud of what you’ve become as a son, a brother, a friend and most importantly a good husband to your wife and the best father to your beautiful children (my grandchildren). God loves you! @muhlachluigi I love you! Happy birthday Son! Cheers! God Bless you. Keep shining,” sabi ni Aga.

Anne, Jessy nalulunod sa paandar nina Erwan, Luis

Nalulunod sa pagmamahal at kaligayahan ngayon sina Anne Curtis at Jessy Mendiola. Idinaan ng dalawang Kapamilya star ang kanilang pasasalamat sa pagdating sa buhay nila ng kanlang mga dyowa.

Si Anne ay nag-throwback sa kuwento nila ng asawang si Erwan Heussaff, sa kung paano niya naramdaman ang pag-ibig at simpatiya nito sa kanya. Taong 2010 nu’ng mabigong mapanood nang live ni Anne ang favorite niyang banda na “She and Him” sa Coachella Music Festival sa California.

Kuwento ni Anne, iniyakan niya nang husto ang pagkadismaya dahil tapos na ang performance ng mga ito nu’ng makarating sila sa venue. Niyakap daw siya ni Erwan para i-comfort, at doon daw ay naramdaman niya ang pagmamahal nito sa kanya.

Matapos ang siyam na taon, hindi nagbago ang klase ng yakap sa kanya ng asawa, na nagparamdam sa kanya ng wagas na pagmamahal. Nagpapa­salamat si Anne sa Diyos sa pagbibigay nito sa kanya ng isang gaya ni Erwan.

Samantala, sa birthday gree­tings naman ni Jessy Mendiola sa kasintahang si Luis Manzano sa kanyang Instagram, sinabi nitong ipinagdasal niya sa Diyos na bigyan siya ng isang lalaking mag-aalaga at magbibigay sa kanya ng halaga.

“You taught me to be happy even when I’m constantly judged ang misunderstood,  You loved me even in my darkest days…” sabi ni Jessy.
Umaapaw sa tuwa ang puso ni Jessy dahil natagpuan niya ang gaya ni Luis.

The post Kylie, Jake one to sawa sa tukaan, lambingan sa Bali appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *