Kylie hirap sa pagbubuntis

Kakaiba raw ang naging pagbubuntis ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang pangalawang baby. Buong akala raw niya ay babae ang kanyang dinadala dahil nakaranas siya ng tinatawag na pre-natal depression at madalas inaatake ng anxiety sa unang trimester.

kylie hirap sa pagbubuntis - Kylie hirap sa pagbubuntis
ABANTE kylie 1 - Kylie hirap sa pagbubuntis

abante talbog joe barrameda 336x224 - Kylie hirap sa pagbubuntisKakaiba raw ang naging pagbubuntis ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang pangalawang baby. Buong akala raw niya ay babae ang kanyang dinadala dahil nakaranas siya ng tinatawag na pre-natal depression at madalas inaatake ng anxiety sa unang trimester.

First time niyang na-encounter ito dahil masayahin siya noong ipinagbuntis niya si Alas. Ibinahagi rin ni Kylie kung paano niya nalampasan ang pagsubok na ito.

“Nag-exercise na lang ako, ‘pag may time ako, ‘pag nasa mood ako, nagwo-workout ako. Nilalabas ko in other ways, I write, may project ako for myself, binubuhos ko du’n ‘yung passion ko. I painted for a while, nilinis ko ‘yung buong bahay, gusto ko palaging mabango.”

Dagdag pa niya, kasama sa mga kinahihiligan niya nga­yong buntis siya ay ang pagkain ng chic­ken! Five months na ang dina­dala ni Kylie at excited na excited na siya sa paglabas ng kanyang 2nd baby boy.

Aktres magpapakamatay kapag hiniwalayan ni aktor

Mukhang hindi na maganda ang relasyon ng dalawang artista na kunyari ay itinatago pero hindi naman sila makatiis na hindi ilabas ang feelings nila kahit sinasabihan sila na itago ito.

Parang nagsawa na yata si lalaki at nasasakal na sa sobrang pango­ngontrol ni babae. Balita namin ay pinakikisamahan na lang ng lalaki si babae na wala na raw label ngayon.

May nananakot sa lalaki na may suicidal tendency daw si babae kung iiwan ng lala­ki. Pero may kumokontra at marami na raw nakarelasyon ang babae at wala naman daw ganu’n. Kaya tignan na lang natin hanggang kailan ang relasyon nila o kung hanggang saan makakatiis si lalaki kay babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *