Kyle may kanta para sa mga basher

Punong-puno ng energy si Kyle Echarri habang kinakanta niya ang kanyang latest single na “I’m Serious” sa digital show ng ABS-CBN na “We Rise Together.” Espesyal ang kantang ito dahil si Kyle ang nagsulat nito para sa kanyang album.

The post Kyle may kanta para sa mga basher first appeared on Abante.

kyle may kanta para sa mga basher - Kyle may kanta para sa mga basher
Kyle Echarri - Kyle may kanta para sa mga basher

Punong-puno ng energy si Kyle Echarri habang kinakanta niya ang kanyang latest single na “I’m Serious” sa digital show ng ABS-CBN na “We Rise Together.” Espesyal ang kantang ito dahil si Kyle ang nagsulat nito para sa kanyang album.

Ngunit nang tanungin siya kung para kanino ba niya ito sinulat, naging seryoso ang naging sagot ng “Kadenang Ginto” star.

“Nung sinulat ko ‘to, para talaga ito sa mga basher na tumatawag sa akin na chick boy,” sabi ng 17 taong binata.

“So hindi ka chick boy?” tanong sa kanya.

“I wasn’t affected pero it’s tiring. Parating ‘yan ang sinasabi sa akin kahit na wala akong ginagawang masama. Nadadamay pa ang ibang kaibigan ko na babae so I just thought ‘I’m going to write my heart out for this.”

Sanay naman daw siya sa mga basher noong kakasimula pa lang niya sa “The Voice Kids,” kung saan nakaabot siya sa Top 6, pero ginamit niya raw ito bilang inspirasyon upang maka-perform nang maayos.

“Pinapakita ko rin sa kanila na hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa akin,” sabi ni Kyle. (Dondon Sermino)

The post Kyle may kanta para sa mga basher first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *