Kyle Echarri naiipit sa away nina Andrea, Francine

Noon pa man uso na ang fandom wars, gaya na lamang ng Noranians at Vilmanians na todo bangayan para sa kanilang mga idolo. Ganon pa rin ang siste ngayon dahil nag-post ang rising teen star na si Kyle Echarri tungkol sa awayan ng mga fan na nababasa niya sa social media.

The post Kyle Echarri naiipit sa away nina Andrea, Francine appeared first on Abante News Online.

kyle echarri naiipit sa away nina andrea francine - Kyle Echarri naiipit sa away nina Andrea, Francine
Kyle Echarri - Kyle Echarri naiipit sa away nina Andrea, Francine

Noon pa man uso na ang fandom wars, gaya na lamang ng Noranians at Vilmanians na todo bangayan para sa kanilang mga idolo. Ganon pa rin ang siste ngayon dahil nag-post ang rising teen star na si Kyle Echarri tungkol sa awayan ng mga fan na nababasa niya sa social media.

“NO TO FANDOM WARS. If you support an artist or a love team, you are welcome to support them however you want but not to the extent of ba­shing other artists and/or fandoms,” sabi ng binata.

Dagdag pa niya, “You can praise whomever you feel is worthy of your support but it is wrong to put down other artists/fandoms in the process.”

Matatandaang close si Kyle sa co-star niya sa “Kadenang Ginto” na si Andrea Brillantes, ngunit kapareha niya ngayon sa serye si Francine Diaz, at marahil ito ang tinutukoy niya na pinag-aawayan ng kanilang mga fan.

Ending naman niya sa kanyang statement, “RESPECT, and if you have nothing good to say, just keep it to yourself.”

Agree naman kami dyan! Silent na lang tayo ‘pag wala naman magandang sasabihin.

In fairness, hindi matatangging sikat na talaga ang teen stars dahil hit na hit sa hapon ang “Kadenang Ginto”. Sana lang magkasundo ang fans at maging happy sa takbo ng kanilang career. (Dondon Sermino)

The post Kyle Echarri naiipit sa away nina Andrea, Francine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *