Kyle Echarri hindi taksil sa dyowa

Handa na si Kyle Echarri para sa seryosong papel hindi lang sa buhay ng babaeng minamahal niya kundi pati na rin sa kanyang music career sa bago niyang single na “I’m Serious,” na mapapakinggan ngayong Biyernes (Sept. 11).

The post Kyle Echarri hindi taksil sa dyowa first appeared on Abante.

kyle echarri hindi taksil sa dyowa - Kyle Echarri hindi taksil sa dyowa
abante kyle - Kyle Echarri hindi taksil sa dyowa

Handa na si Kyle Echarri para sa seryosong papel hindi lang sa buhay ng babaeng minamahal niya kundi pati na rin sa kanyang music career sa bago niyang single na “I’m Serious,” na mapapakinggan ngayong Biyernes (Sept. 11).

Si Kyle ang nagsulat at nag-produce ng kanta mula sa Star POP label ng ABS-CBN Music, na unang pagsabak niya sa sariling music project bilang isang singer-songwriter at music producer. Ang label head ng Star POP na si Rox Santos ang nagsilbing supervising producer ng upcoming album ng batang artist na “Sayaw Ng Mga Tala,” kung saan makakasama ang bagong awitin.

Ang “I’m Serious” ay isang love song kung saan naghahanap ng paraan ang isang lalaki para pawiin ang pag-aalala ng isang babae sa pamamagitan ng paninigurado na hindi siya magtataksil dito. Ipinaparamdam din sa kanta ang malalim na pagmamahal para sa isang espesyal na tao habang ipinapakita ang malinis na intensyon para rito. (Dondon Sermino)

The post Kyle Echarri hindi taksil sa dyowa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *