Kuwentong Barretto: 15-taon away ng mga anak binaon sa hukay ng ama (cont)

Mahigit isang linggo nang pumanaw ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto, pero ang Barretto family scandal pa rin ang hot topic hindi lang sa mga news site kung hindi maging sa bawat sulok ng bansa. Mapa-masa o elite man ang nasa umpukan.

kuwentong barretto 15 taon away ng mga anak binaon sa hukay ng ama cont - Kuwentong Barretto: 15-taon away ng mga anak binaon sa hukay ng ama (cont)
barretto sisters - Kuwentong Barretto: 15-taon away ng mga anak binaon sa hukay ng ama (cont)

Ni Rose Garcia

Sino ang totoong bida, kontrabida?

Mahigit isang linggo nang pumanaw ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto, pero ang Barretto family scandal pa rin ang hot topic hindi lang sa mga news site kung hindi maging sa bawat sulok ng bansa. Mapa-masa o elite man ang nasa umpukan.

It’s a real-life teleserye kaya ‘yung interes ng mga tao, hindi nababawasan. May nagsasabing “nakakaumay” na and yet, kapag may bagong pasabog ang bawat character sa real-life serye na ito, siguradong grabe pa rin ang interes ng nagsabing nauumay na siya.

Kilala na halos ng lahat ang main cast – Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto. ‘Yung pinag-ugatan ng away nila. ‘Yung paratang ng ilan sa mga Barretto na si Gretchen daw, never naman nakakasama sa mga family gathering.

Kung may espesyal na okasyon, ang kasama nito ay ang mag-ama niya na sina Tony Boy at Dominique Cojuangco, madalas sa ibang bansa. Claim naman ni Gretchen noon ayon sa isang taong malapit dito, hindi naman daw siya nagkukulang ng pagbibigay ng financial support lalo na sa mga magulang na sina Mike at Inday – pero sey rin daw nito, “it was always never enough with them.”

Again, ito ay mga kuwento ng mga taong nakakasama nila na ayaw na magpabanggit ng pangalan.

‘Yung diumano’y kawalan ng utang na loob ni Marjorie dahil noong wala raw ito, it was her “sisters” who even paid for her children’s tuition fee.

‘Yung bago mamatay si Rico Yan na may “gusot” na sa magkakapatid, pero naging daan ito para magkasama-sama ang tatlo especially at that time, lahat ng daliri ay nakatutok kay Claudine kung bakit daw “namatay” ang aktor.

After Rico’s death, balik na naman sila sa away-bati relationship nila. May time na sina Gretchen at Claudine ang magkaaway at may time na sila ang magkabati tulad ngayon. Same goes with Marjorie and Gretchen na magkabati noon over Claudine.

Natatandaan namin ang panahon na ito na ayon sa mga reliable sources, ito daw ang panahon na hindi na raw nila ma-control si Claudine sa kung ano man na ginagawa nito. Kaya parang give-up na sila, but not their parents who stood with Claudine naman.

One day sina Gretchen at Claudine ang magkakampi; the next day, sila ang magkaaway. Gretchen and Marjorie ang magkasundo, then, away na naman. Marjorie and Claudine ang okay sa isa’t isa, followed by sila naman ang nagbabangayan.

Showbiz pa rin, “no permanent friends, only permanent interest.”

Ngayon, magiging permanente na kaya ang casting ng magkakampi versus sa isang grupo ng magkakapatid na magkakampi rin?

Sino ang totoong bida at sino ang totoong mga kontrabida?

Tuloy ang sumpa sa bagong henerasyon ng mga Barretto

Kung totoo ang “sumpa”, walang duda na hindi kasi naputol kaya hanggang sa mga anak nila, dinadala ang away na sinimulan ng mga magulang nila.

Ang dapat sana mga young and beautiful Barretto, sharing stories and milestones as cousins ay watak-watak din.

Ang anak ni Gretchen na si Dominique, although pinalaki ni Gretchen na hindi talaga nakakasama normally sa mga family gatherings ng Barretto, ay naka-depende rin ang closeness sa mga tita at tito niya at mga pinsan sa kung sino sa partikular na season ang “kabati” ng nanay niya.

Ngayon, si Dominique (24) working in the US, has of course, her Tita Claudine na ka-close niya exchanging “I miss you” and “I love you” in their social media account. Pero noong si Marjorie ang kasundo ng mommy niya, she has most especially. Claudia Barretto as her “baby girl”.

Kasama ngayon ni Dominique ang ina na si Gretchen sa SanFo. Lumipad si Gretchen dahil ang gusto raw ni Dominique, papakainin siya at papatabain naman, huh. At kahit nasa SanFo si Gretchen, tuloy pa rin ang giyera through her socmed account.

Ang isa sa paborito niyang target ngayon, ang pamangkin na si Julia Barretto at pinapaalalang “Baldivia” ito at hindi Barretto at kung lumaki raw sa ama na si Dennis Padilla, mas mabuti raw sana itong tao.

Pero, kilala na ng publiko sina Dominique, Claudia at Julia. Ang introducing sa Barretto scandal serye ay ang anak ni J.J. Barretto na si Nicole Barretto.

Nicole, Atong love birds noon – Claudine

Unlike her cousins, hindi pinasok ni Nicole ang showbiz, pero sa pinag-uusapang Baretto scandal, mas natalbugan niya ngayon ang mga pinsan sa pagiging controversial. 26 pa lang si Nicole at nag-iisang anak na babae nina J.J. Barretto at misis nitong si Marichi.

Ang blind item ni Marjorie, pinangalanan ni Nicole kunsaan, sinabi niyang “My aunt stealing my boyfriend.”

Sino ang sinasabing boyfriend ni Nicole na inagaw raw ni Gretchen? Ang pinaka-guwapong lalaki sa mga Barretto ngayon, ang businessman na si Charlie Tiu Hay Sy Ang o mas kilala sa tawag dito na “Atong Ang”.

Ang pangalang Atong Ang ay hindi lang nakadikit sa mga negosyo niya, kabilang na ang gambling business, mas nakilala ito noong 2001 bilang isa sa mga co-accused with then President Joseph “Erap” Estrada impeachment.

Ang tanong ngayon, nagsasabi nga ba ng totoo si Nicole? Itinanggi ni Atong Ang ang claim ni Nicole na naging karelasyon niya ito. Ayon dito, ang mommy raw ni Nicole was working for him then at si Nicole ang taga-book ng flight niya.

Siyempre, ang statement ng businessman is of Gretchen’s advantage now.

Pero, paano kaya matu-twist (kung itu-twist nga) ang dating Instagram post ni Claudine Barretto kung saan, kasama niya sa picture sina Atong at Nicole? Ang naturang post ay limang taon na ang nakararaan at dahil sa scandal nga nila ngayon, biglang nag-resurfaced.

Ang bonggang caption ni Claudine, “Mr. Atong Ang & the love of his life Nicole Barretto & I with the Love birds:) @colebarretto.”

Ay teka lang, nali-link din ang businessman hindi lang kay Gretchen, maging kay Claudine. So, mabibigyang-linaw pa ba ni Nicole kung sino sa mga “aunt” niya ang talagang tinutukoy niya na nag-stole ng boyfriend niya?

Magkakaalaman pa kaya, sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang sinungaling sa real-life serye na ito?

(Itutuloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *