Kumpirmado: Jennylyn bagong ‘dyowa’ ni Dingdong

Nag-trending sa Twitter noong nakaraang Miyerkoles ang hashtag na #JENNYLYNMercadoisDrMaxine pagkatapos na ma-announce officially na si Jennylyn Mercado na ang gaganap bilang Dr. Maxine dela Cruz sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

kumpirmado jennylyn bagong dyowa ni dingdong - Kumpirmado: Jennylyn bagong ‘dyowa’ ni Dingdong
jennelyn - Kumpirmado: Jennylyn bagong ‘dyowa’ ni Dingdong

Nag-trending sa Twitter noong nakaraang Miyerkoles ang hashtag na #JENNYLYNMercadoisDrMaxine pagkatapos na ma-announce officially na si Jennylyn Mercado na ang gaganap bilang Dr. Maxine dela Cruz sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Heto ang pinost ni Jen sa kanyang Instagram:

“Hi everyone. Minsan lang ako mag-post about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na-curious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako.”

Naging pahulaan nang ilang buwan kung sino ba ang gaganap na Dr. Maxine. Pero marami na ang nakahula na si Jennylyn ang gaganap dito dahil never pang nakatambal ni Jen si Dingdong sa isang teleserye. Si Dong ang gaganap bilang si Lucas Manalo a.k.a. Big Boss.

Ayon kay Jen, huli pa raw silang nagkasama ni Dong sa teleserye ay noong 2006 pa sa telefantasya na “Encantadia” kunsaan gumanap pa sila roon na mag-ama.

Ang “Descendants of the Sun” ang naging highest-rated Koreanovela noong 2016 at nagbida rito sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Nauwi sa totohanang romansa ang tambalan ng dalawang sikat na South Korean stars at nauwi sa kasalan ang tinawag na Song-Song couple.

Kinasal sila noong October 31, 2017 sa isang private ceremony in Seoul. Pero pagkaraan ng dalawang taon ay naghiwalay sila noong June 26, 2019. Na-finalize ang divorce nila noong July 2019. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *