Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni Ulysses

Iba rin ang karisma ni Alden Richards, ha! Imagine, ‘naglaro’ lang siya, kumita pa ng limpak-limpak na datung, na ipantutulong niya sa mga biktima ng bagyo.

The post Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni Ulysses first appeared on Abante.

kumita ng p222559 alden naglaro para sa mga biktima ni ulysses - Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni Ulysses
abante alden 1 - Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni Ulysses

dondon sermino 15 - Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni UlyssesIba rin ang karisma ni Alden Richards, ha! Imagine, ‘naglaro’ lang siya, kumita pa ng limpak-limpak na datung, na ipantutulong niya sa mga biktima ng bagyo.

“Hi everyone! Tulong-tulong tayo! Please join me as I stream tonight for the benefit of those affected by the recent typhoon #UlyssesPH,” sabi ni Alden.

At `yun na nga, napanood ko ang masayang live ‘streaming’ ni Alden, at marami nga ang naaliw at nag-donate sa kanya.

At bongga, na sa loob lang ng ilang oras, nakalikom na siya ng USD4,624 o PHP222,559, ha! Bongga, di ba?

“100% of proceeds received from last night’s stream is for the benefit of those affected by #Ulysses. #ARgaming.

“Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo.

“God bless ang keep safe,” sabi pa ni Alden.

Pero bukod pa riyan, inanunsiyo rin ni Alden na ang 10% ng kikitain mula Nove. 16 to Nov. 22 sa kanyang restoran, ang Concha’s Garden Café ay idu-donate rin sa mga biktima.

“Our collective effort can make a big difference,” sabi pa ulit ni Alden.

Para sa namayapang ina: Klaudia buwis buhay sa pagbalik Pilipinas

Balik Pilipinas si Klaudia Koronel ngayon.

Isang bagay na hindi niya nagawa noong namatay ang kanyang pinakamamahal na ina, dahil na rin sa higpit ng mga protocol sa pagbabyahe, lalo na at international.

Si Klaudia ay matagal na ngang naninirahan sa Amerika. At ngayon nga lang siya nabigyan ng pagkakataon na makabalik ng Pilipinas, na medyo maluwag na nga ang mga patakaran sa pagbabyahe.

“Friends, mga kapatid ko sa INC, and family. Samahan niyo po ako sa aking pagkalakbay, patungo sa aking anak, at sa himlayan ng aking ina. Isama niyo po ako sa inyong panalangin na ‘di po ako mahawa sa kumalakat na sakit na COVID-19. Lakasan lang po ito ng loob para makasama ko muli ang aking pamilya. Ama… bahala na po kayo sa ka akin…” sabi ni Klaudia.

Mag-ingat ka, Klaudia.

The post Kumita ng P222,559: Alden naglaro para sa mga biktima ni Ulysses first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *