Kumampi kay Bea: Julia, Marjorie pinatutsadahan ni Claudine

Natuturo ang mag-inang Marjorie Barretto at Julia Barretto sa Instagram post ni Claudine Barretto na naghihimutok ito, na tila naalala lang siya kapag may kailangan.

kumampi kay bea julia marjorie pinatutsadahan ni claudine - Kumampi kay Bea: Julia, Marjorie pinatutsadahan ni Claudine
julia 8 - Kumampi kay Bea: Julia, Marjorie pinatutsadahan ni Claudine

OH, LABAN KA!
Rey Pumaloy

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Kumampi kay Bea: Julia, Marjorie pinatutsadahan ni ClaudineNatuturo ang mag-inang Marjorie Barretto at Julia Barretto sa Instagram post ni Claudine Barretto na naghihimutok ito, na tila naalala lang siya kapag may kailangan.

“Oh, I’m sorry I forgot, I only e­xist when you need something,” sabi ni Claudine.

Sa caption, sinabi ni Claudine na napuno na siya sa puntong.
“I’m done! I can only do and take so much!” saad pa niya.

Hindi pinanga-langan ni Claudine kung sino ang pinatutungkulan na ito ni Claudine, na hindi nagbigay ng kahit na anong hint kung sino ang mga taong tinutukoy niya. Pero sa comment ng nakatatandang kapatid ng aktres na si Gretchen Barretto binanggit nito ang salitang “mother & daughter”.
“CORRECT. DO NOT ALLOW OTHERS TO ABUSE YOUR KINDNESS. Is it the mother daughter team,” sabi ni Greta.

Walang pangalang binanggit si Gretchen sa comment niya pero ang ilan sa mga comment sa post na ito, sina Julia at Marjorie ang pinuntirya ng mga ito.
@teiracsus, “mother and daughter team” – Marjorie and daughters.”

@chattie, “Oh wow di na siguro kaya i- damage control ang mga issue na naglabasan kaya hingi na help kay Tita nya @claubarretto.”

@monjoy2426, “Ma’am @claubarretto hayaan nyu na pong sila ang mag-solve sa ginawa nila kay B. Dumedepensa pa yung ina sa anak na klaro namang may agawang nangyari.”

Sinusulat ang item na ito, hindi pa naglilinaw si Claudine kung sino ang pinatatamaan nya sa post nyang ito.

Tony Labrusca lusot na sa nilikhang gulo sa NAIA

Ang Bacsi Bro’s ang isang malinaw na pagpapatunay na hindi napingasan ang image ni Tony Labrusca sa nagdaang controversy nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nang sigawan niya ang isang immigration officer dahilan para kuyugin siya ng netizen at muntikanan pa nga siyang ideklara na ‘persona non-grata’ sa bansa.

Sa interview kay Tony, iginiit niyang Pinoy siya, kaya walang isyu na dapat pang pag-usapan.

Si Tony ang endorser ngayon ng Bacsi Bro’s, ang baby business ng mag-asawang Patricia at Walter Buenavista, may ari ng Sharwama Shack.
Unang branch pa lang ng Bacsi Bro’s sa Ayala Malls Arvo (Marikina) na matatagpuan sa food court.

Sa launching ng store nung Biyernes nang gabi ay ipinakilala si Tony bilang brand ambassador.

Ayon kina Walter at Patty, ang popularity ni Tony at ang pagiging hunk nito ang ilan lang sa mga characteristic nito para kunin nila itong endorser.
Kaliga na nga ni Tony sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na siyang endorser naman ng Shawarma Shack.

Masaya si Tony sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mag-asawang Patty at Walter lalo’t makikita sa lahat ng mga mall ang kanyang larawan, na walang dudang makakadagdag ng kanyang kasikatan.

Mga pagkaing “silog” ang ini-offer ng Bacsi Bro’s. Ang kanilang best sellers ay ang bacsilog (bacon, sinangag, itlog).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *