Kristoffer, Paul kumasa sa ganda ni Paolo

Simula na ang tarayan, pagandahan, patalinuhan, pa-seksihan ng mga artistang lalaki sa “Eat Bulaga”. Yes, mga lalaki nga ang maglalaban-laban ng ganda, alindog, talino sa EB.

kristoffer paul kumasa sa ganda ni paolo - Kristoffer, Paul kumasa sa ganda ni Paolo
abante Paolo - Kristoffer, Paul kumasa sa ganda ni Paolo

Alden nabighani kay Martin:

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Kristoffer, Paul kumasa sa ganda ni PaoloSimula na ang tarayan, pagandahan, patalinuhan, pa-seksihan ng mga artistang lalaki sa “Eat Bulaga”. Yes, mga lalaki nga ang maglalaban-laban ng ganda, alindog, talino sa EB.

Anyway, 2005 nu’ng simulan ang Bebot contest na ito sa “Eat Bulaga”. At si Paolo Bal-lesteros ang nagwagi, siyempre. Doon nga unang nakita ang kagandahan ni Paolo, na at the time, parang si Gretchen Barretto ang itsura, ha!

Ang ginamit nga niyang namesung ay Precious Paola Nicole Bal-lesteros! Bongga, ‘di ba? Pang-beauty queen talaga ang name niya.

Sumabak na rin sa kontes na ito sina Mark Herras, Baron Geisler, Vandolph, Jose Manalo, Wally Bayola, at marami pang iba.

At kahapon nga, bonggang tapatan agad ang naganap. Parehong macho, makisig, ang kilalang mahilig sa babae, ang sumabak agad.

Ang mga bortang-bota na sina Kristoffer Martin at Paul Salas nga ang naglaban, nagpagandahan.

Si Kristoffer Martin na ang ginamit na name ay Ariana Engrandeng-Engrande, na sa truth lang, hawig naman talaga niya ang international singer na ‘yon, ha!

At sa sobrang ganda nga niya, kahit ang ‘BFF’ niyang si Alden Richards, tila nahumaling sa ganda niya, ha!

“Ganda mo,” sabi ni Alden kay Kristoffer, na si-yempre pa ay may halong pang-aasar.

Ganu’n din ang reaksyon ni Angelika dela Cruz, na nagsabing “Jusko Ate, hiyang-hiya ako.”

Super gandang-ganda nga rin sina Derrick Mo-nasterio, Jak Roberto kay Kristoffer, ha!

At kumusta naman ang kalaban niyang si Paul Salas? Well, dahil bongga nga ang katawan ni Paul, kaya seksing-seksi ang dating niya sa mga fan.

Kaaliw lang na Lisa Mauban ang ginamit niyang name, ha! Si Liza Macuja kaya ang peg niya? Na ginawa niyang ‘Mauban’ dahil puti nga ang kulay ng hairlaloo niya.

Siyempre, sangkatutak din ang nang-asar sa kanya. Lalo na ang mga friends niyang lalaki, na bebe gurl ang tawag sa kanya ngayon.

“@paulandre.salas. Hahaha tols para kang leading lady ng action star,” sabi ni Jak Roberto kay Paul.

aura_basalo027, “Ang sexy mo kanina sa eat bulaga for Bebot 2019.”
belisomich, “ay pak ganda ni paula! @paulandre.salas hahahahahahaha.
Pero siyem-pre, ang inaabangan nga ngayon ng mga fan ay ang tapatan nina Martin del Rosario at Christian Bables na mga kapatid ni Paolo Ballesteros sa “Panti Sisters”.

Kulitan nina Sarah, Lea, Bamboo panalo sa rating

Pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga ng “The Voice”, tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang muling pag-ikot ng mga upuan ng tatlong orihinal na superstar coaches nito at pagbibida ng mga panlabang boses ng kabataan sa pagsisimula ng ikaapat na season ng “The Voice Kids” noong weekend.

Naaliw ang buong bansa sa kulitan at agawan ng young artist ng mga coach na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga kung kaya’t nagkamit ang “The Voice Kids” sa pagsisimula nito noong Sabado (Agosto 3) ng national TV rating na 34.8% o higit sa doble ng 15.3% ng “Starstruck”, ayon sa datos ng Kantar Media.

Muli rin itong naghari noong Linggo (Agosto 4) sa pagtutuloy-tuloy ng blind auditions at pagkuha ng kanya-kanyang pambato ng coaches at nagtala naman ng national TV ra-ting na 35.5%, at muling tinalo ang 13.7% ng katapat na programa.

Sa pagtatapos ng u­nang yugto ng blind audition, nakuha ni coach Sarah ang rakistang bulilit na si Ramjean, ang bibo kid na si Amierr, at ang biriterong three-chair turner na si Vanjoss.

Dalawang babaeng power belters naman ang nakuha ni coach Bamboo sa Kamp Kawayan na sa ngayon ay kinabibilangan nina Tiffany at Lovelyn.

Pagdating naman sa FamiLea, matagumpay na napasama ni coach Lea ang unang three-chair turner ng season na si Alexa, isang batang t­heater actress.

Sa bagong season ng pinakamalaking entablado para sa mga kabataang boses ang panlaban, maaaring kumuha ng kahit ilang young artists ang tatlong coaches sa blind auditions. Kaabang-abang din ang “steal deals”, ang bagong pakulo ngayong season na matutunghayan sa susunod pang rounds.

Simula pa lang ng pagpapamalas ng mga bulilit ng matinding bosesan at tuloy-tuloy pa rin ang mapusong kuwentuhan at masayang kulitan kada linggo sa pangunguna rin ng hosts na sina Toni Gonzaga at Robi Domingo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *