Kristoffer minura, tinawag na bobo ng mga Blink

Hindi nagpatalo ang mga local celebrity natin sa pagsuporta sa Blackpink.

The post Kristoffer minura, tinawag na bobo ng mga Blink appeared first on Abante News Online.

kristoffer minura tinawag na bobo ng mga blink - Kristoffer minura, tinawag na bobo ng mga Blink
ristoffermartin - Kristoffer minura, tinawag na bobo ng mga Blink

Hindi nagpatalo ang mga local celebrity natin sa pagsuporta sa Blackpink.

Sumugod talaga sa venue ang mga artistang tulad nina Anne Curtis, Jasmin Curtis Smith, Andrea Brillantes, Maymay Entrata, Glaiza de Castro, Kramer family, at Teddy Corpus.

Ayon kay Ted, fan ng grupo ang kanyang anak kaya sinamahan niya ito sa meet-and-greet. “Bitin” ang deskripsyon niya sa pagpunta roon pero sulit naman dahil tuwang-tuwa ang kanyang anak.

Samantala, kinuyog ng masasakit na salita mula sa K-pop fans ang Kapuso star na si Kristoffer Martin nu’ng mabigyan ng ibang kahulugan ang tweet niya tungkol sa Blackpink.

“Okay adjust tayo sa henerasyong sobrang sensitive. Di po ako BLINK. Ayan po ha? Gusto ko yung kanta nila and some of their members. Oks na?” tweet ni Kristoffer.

Hindi nagustuhan ng maraming Blink (Blackpink fans) ang tweet ni Kristoffer na sa kanilang interpretasyon ay pamimintas sa kanilang Korean idol.

Dahil dito, muling nag-tweet si Kristoffer para linawin ang kanyang posting.

“In the first place wala akong sinabing masama. Tuwang-tuwa nga ko nung mabigyan ng chance na makita sila. Lalo lang na ang daming magaling.”

Hindi kumbinsido ang mga fan sa paglilinaw ni Kristoffer kaya tuluy-tuloy ang pamba-bash sa kanya.

Nag-tweet ulit ang aktor.

“Okay last. This tweet is pure sarcasm. Daming galit di ba? Ulitin ko, wala akong sinabing masama against the group. Totoong fan ako. Sayawin ko pa lahat ng kanta nila e. Ang nangyari, may nag-stalk, may nakitang di nag-follow, nagalit, inatake ako. Sino ang may problema?”

Pero ayaw pa rin siyang paniwalaan ng mga fan. Kaya nakatikim ng panlalait gaya ng “bobo”, “stupid” at minura pa siya ng iba. (Rey Pumaloy)

The post Kristoffer minura, tinawag na bobo ng mga Blink appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *