Kris type maka-bonding lola ni Gideon

Ang muling makasama ang lola ni Atty. Gideon sa Albay ang isa sa mga ninanais ni Kris Aquino na gawin kung magkakaroon siya ng pagkakataong makapagbakasyon ng isang linggo sa isa sa mga probinsya sa buong Pilipinas.

The post Kris type maka-bonding lola ni Gideon first appeared on Abante.

kris type maka bonding lola ni gideon - Kris type maka-bonding lola ni Gideon
kris 9 - Kris type maka-bonding lola ni Gideon

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 15 300x200 - Kris type maka-bonding lola ni GideonAng muling makasama ang lola ni Atty. Gideon sa Albay ang isa sa mga ninanais ni Kris Aquino na gawin kung magkakaroon siya ng pagkakataong makapagbakasyon ng isang linggo sa isa sa mga probinsya sa buong Pilipinas.

Ito ang naging sagot ni Kris sa tanong sa kanya ni @gelopiglet.

“@gelopiglet Legaspi, Albay to bond with the Mom of @attygideon’s mom if in the South…” sabi ni Kris.

Nais din ni Kris na bumalik sa Puerto Galera kung saan namalagi siya ang mga anak noong lockdowan.

Diretsahan ding sinagot ni Kris ang tanong ni @dr.sm.lunasco kung posibleng maging producer siya ng kanyang sariling TV show.

“Hindi ako kasingyaman as you think I am.”

Paulo sabik makipaglandian

Binulabog na naman ni Paulo Avelino ang kanyang mga Twitter follower. Sabi ni Paulo, ang “paglalandi” raw kinasasabikang gawin nito.

“Nakaka-miss maging malandi!” sabi ni Paulo.

At siyempre, parang mga inasinan na bulate na nabulabog ang mga fan ni Paulo, na kinilig talaga. Ang vlogger na si @pipaykipay ay nagprisintang makipaglandian sa aktor.

Umabot sa 10,500 ang mga comment, retweet, at 31 like naman ang posts na ‘yon ni Paulo habang sinusulat ko ito.

Jules napainom nang manganak si Assunta

Napainom ng red wine si Jules Ledesma matapos manganak ang misis na si Assunta De Rossi. Pinoste ni Jules sa Instagram ang photo ng glass of red wine at sinabi nitong higit isang buwan na siyang hindi umiinom, at napainom siya ulit matapos manganak ang asawa.

“My first glass in over a month Cheers Fiore may the Lord Keep you and your Mama & i will be here for you with Manang ina & Ahia Carlo, Buona Sera,” sey ni Jules.

The post Kris type maka-bonding lola ni Gideon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *