Kris type agawin ‘Yaya’ kay Sanya

Mamaya ang announcement sa “24 Oras” ng replacement ni Marian Rivera sa “First Yaya” series ng GMA 7. Matunog ang pangalan ni Sanya Lopez bilang kapalit ni Marian sa series na pagbibidahan din ni Gabby Concepcion.

The post Kris type agawin ‘Yaya’ kay Sanya first appeared on Abante.

kris type agawin yaya kay sanya - Kris type agawin ‘Yaya’ kay Sanya
kris and sanya - Kris type agawin ‘Yaya’ kay Sanya

Jun Lalin Anything Goes 42 2 300x200 - Kris type agawin ‘Yaya’ kay SanyaMamaya ang announcement sa “24 Oras” ng replacement ni Marian Rivera sa “First Yaya” series ng GMA 7. Matunog ang pangalan ni Sanya Lopez bilang kapalit ni Marian sa series na pagbibidahan din ni Gabby Concepcion.

Kasali pa rin sa series na ‘yon si Pilar Pilapil. Senior citizen na ang veteran actress, pero hindi naman daw health risk si Pilar, kaya tuloy pa rin siya bilang nanay ni Gabby sa “First Yaya”.

Nasa Cebu (Malapascua Island) pa ang veteran actress at nakatakdang bumalik sa bahay niya sa Pasig City para sa pagsisimula ng lock-in taping ng “First Yaya” na malamang daw ay second week of November.

Bale bago ‘yon, magku-COVID-19 swab testing na raw at magku-quarantine ang veteran actress, na requirements bago makapag-lock-in taping dahil ito na nga ang “new normal” ngayong panahon ng pandemic.

May isang taong may alam sa “First Yaya” ang tinanong ko rin kung sino ba talaga ang kapalit ni Marian.

“Friend, hindi talaga sinasabi. Ayoko na rin namang magtanong dahil may announcement naman ang GMA 7 tungkol diyan.

“Actually, ikaw nga sana ang ask ko kung sino talaga ang kapalit ni Marian, eh. May tsika kasi akong narinig na si Kris Bernal daw.

“Kunwari lang daw na aalis na sa GMA 7 si Kris.

“Pero, ewan ko rin. Baka naman imbento lang ng iba ang tsika na ‘yan para malito tayo habang wala pa nga ang official announcement,” sabi ng katsikahan ko.

Well…

Ruffa nairita sa palpak na banko

Ilang araw nang inirereklamo ni Ruffa Gutierrez ang kanyang online banking. Ngayong nauuso pa naman ang cash-less transactions at madalas na via online na lang ang pamimili, talagang importante kay Ruffa ang online banking account niya.

Noong Saturday night nga, problemadong-problema si Ruffa dahil hindi na naman gumagana ang online banking niya.

Hindi raw siya nakakatanggap ng OTP (one time pin) na kailangan niyang i-input sa online transaction para mag-go through ‘yon.

“Oh, my gosh. Jun, I need your help! Please, help me!” sey ni Ruffa, na inakala ko naman na sobrang emergency, huh!

It turned out na she’s trying to purchase ng ticket for “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” sa KTX.ph (kagabi ‘yon).

Bukod sa anak si Daniel ng isa sa BFFs ni Ruffa na si Karla Estrada, inaanak din niya ang aktor.

“I promised Karla na I will buy a ticket. Actually, may nagbibigay sa akin, ikukuha nga ako sa ktx.PH, but I declined. Gusto ko ako mismo ang bibili.

“Pero hindi ako nakakatanggap ng OTP, palpak ang online banking ko, so, please, purchase me a ticket and I’ll pay you back!” sey ni Ruffa.

Ang bongga lang ni Ruffa, basta nakapag-promise siya, ginagawa talaga niya kahit na medyo complicated, huh!

Kathryn pinakyaw concert ticket ni Daniel

Speaking of “Apollo” concert ni Daniel, ang girlfriend na si Kathryn Bernardo, sobrang support sa aktor.

May mga binigyan daw si Kathryn ng tickets para sa online concert ni Daniel.

Pero ang bongga raw talaga ng tickets sale sa “Apollo” ni Daniel, kaya nakaka-happy raw!

Anyway, ang “The House Arrest of Us” ng KathNiel naman ang tututukan ng mga fan dahil magsisimula na ‘yon sa KTX.ph on October 24 (October 25 naman sa iWantTFC app).

Eh, ang tsika, more than 50,000 season pass ang nabenta kaagad sa first hour pa lang na naging available ‘yon sa KTX.ph, huh!

Ang bongga.

Lumabas na nga pala teaser ng “The House Arrest of Us” at mismong si Ruffa na kasama doon ay aliw na aliw!

This week nga pala ay babalik angcastng“The House Arrest of Us” para sa second lock-in shooting nila para sa digital movie series ng Star Cinema.

The post Kris type agawin ‘Yaya’ kay Sanya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *